Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."

Start from the beginning
                                    

I knew he was ready to listen.

"What's up?" he asked. Mataman siyang nakatingin sa akin.

It had been almost three weeks since I last talked to this man. Pareho na kaming busy. He was taking up a short online business course at Harvard bukod pa sa pagiging Resort Manager niya sa Pulo Santelices while Miranda was helping Stasha put up the pre-school na plano na nila noon pa. Hinintay lang nilang makapasa noon sa licensure exam si Miranda.

Matagal akong hindi nakasagot sa simpleng tanong na iyon ni Cobi.

Humigit ako ng isang malalim na buntong-hininga at napahilamos sa mukha. "Congratulate me..."

Kumunot ang noo niya. Hindi pa siya nagsalita agad na para bang hinihintay kung may catch sa sinabi ko.

"Congratulations... For what, anyway?" he asked me nang hindi na ako nagsalita pa. Kaswal lang ang boses niya.

I bit my lower lip. Then let out a very long sigh. I swallowed before I spoke. "Magiging tatay na ako..."

"Oh..." Ang tanging nasambit ni Cobi at tumangu-tango. Hindi naitago sa mukha ang pagkagulat

Odd, but I felt a mixed of excitement and fear at the mere thought of me becoming a dad. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng magiging tatay na?

"Congrats!" aniya sa sa excited na boses. Marahil nag-sink na sa kanya ang lahat. "Magiging uncle na ako."

Matipid akong ngumiti. Unti-unti ay napapalitan na ng excitement ang pakiramdam sa dibdib ko. "At ninong..."

He smiled. "I know..." Pero saglit lang ay lumuwang ang ngiti niya. "I hate you, isa kang taksil. Nakabuntis ka ng babae. Akala ko ba tayo? Akala ko ba ako lang ang mahal mo?" he joked.

Alam ko namang pinagagaan lang ni Cobi ang pakiramdam ko. Siguro ay obvious sa kanya na mabigat ang dalahin ko sa dibdib.

I laughed out loud. "'Lul!"

The feeling of fear and anxiety were becoming less as I talk to Cobi about it.

Then a long silence fell between us.

Si Cobi ang unang bumasag nito. "Nasabi mo na ba sa buong pamilya mo?"

Saka ko lang naalala ang implikasyon ng tanong niya. How would my family react to this? I knew they would be very disappointed. Hindi pa ako tapos ng pag-aaral. Binalot na naman ng takot ang puso ko.

"Hindi pa," matipid kong sagot.

Tumangu-tango siya. "Anong plano mo?"

That question hit me. Ano nga bang plano ko? This was certainly unplanned.

Pero sa puso at isipan ko, sigurado naman akong hinding-hindi ko pababayaan ang mag-ina ko.

Bumuntong-hininga ako. "Natatakot ako..." I bowed my head, tulad ng isang talunang sundalo. Nasabi ko rin ang gumugulo sa isipan ko.

"Of the future?" seryoso niyang tanong.

I nodded my head. "And the now," I added, so seriously. "Wala pa akong napapatunayan. Ano ang buhay na kaya kong i-offer kay Gracie gayong hindi pa ako tapos ng pag-aaral? I would always promise her a good life with me. Paano ko iyon matutupad kung hindi pa ako ganap na doctor? Sarili ko lang ang kaya kong—"

Ngumiti si Cobi. "Robert Aldus, ikaw na ang sumagot sa sarili mong tanong... Sarili mo lang ang i-offer mo."

Napalunok ako. "Hindi sapat na sarili ko lang—"

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now