157

11.9K 400 106
                                    

10-04

War Sto. Tomas

1:03 AM

War:

Love, pansinin mo naman ako 🥺

Please?

Let me explain?

Usap tayo?

Seen, 1:05 AM

Aestelle:

I'm giving you five minutes.

War:

Puwede bang sa personal?

Aestelle:

Edi 'wag.

War:

Sabi ko nga dito eh.

Paano ko ba sisimulan. Kinakabahan ako tangina.

Aestelle:

Minumura mo 'ko? 😀

War:

Minamahal nga kita.

Seryoso ako sa 'yo. Mahal na mahal kita, Aestelle, na hindi ko na magawang tumingin pa sa iba.

Alam mo 'yon?

Ang daming dumaan pero ikaw lang 'yong bukod tanging nagpahinto sa pag-ikot ng mundo ko.

Winasak mo ako, Aestelle. Warak na warak ako. Na hindi ko na alam kung papaano ang hindi ka mahalin. Na para bang kapag nawala ka, iikutin ko ang buong sulok ng mundo para lang mahanap ka. Ganoon ka na kahalaga sa akin na puwede akong huminto pero hinding-hindi ko gagawin kasi tangina ikaw na lang nakikita ko.

Ikaw ang nagturo sa akin kung papaano magmahal ng higit pa sa kung anuman sa mundo.

Aestelle:

Then, who's that girl?!

War:

She's my sister.

Surprise kasi dapat 'to dahil birthday mo. Gusto kitang sorpresahin saka gusto kong gawing special birthday mo kasi first birthday mo 'to kasama ako, ganon. Siya 'yong tumulong sa 'kin mag-ayos kasi gahol na gahol na ako sa oras.

Sobrang dami kasing pinagagawa ni coach tapos acads pero syempre dapat isasabay ang landi HUHUHU love, sorry.

Kaya lang naman ako nagsinungaling na wala ako sa apartment kasi baka bigla kang mag-aya tapos hindi ako makatanggi eh paano na 'yong sorpresa ko sa 'yo?

Tapos kaya lang naman nabawasan oras ko sa 'yo nitong mga nakaraang araw kasi nga umiiwas ako kasi baka madulas ako tapos malaman mo 'yong surprise ko. Paano pa magiging surprise kung malalaman mo agad?

Nakalagay kasi 'yon sa putanginang facebook post na 'yon na dapat hindi talaga malaman sikretong malupit para matindi epekto kaso amputa sablay pala 😭

Tindi nga ng epekto nasaktan kita 🥺

Tangina sobrang memorable nga 🥺

Sorry, love.

I didn't mean to make you cry.

I didn't mean to hurt you.

Mas gusto ko pang saktan ang sarili ko nang paulit-ulit kesa saktan ka.

Aestelle:

Gan'on din naman ako.

War:

Huh???

Aestelle:

Hindi ko inakala na mahuhulog ako sa taong hindi ko naisip na mamahalin ko.

War:

HUH????

Aestelle:

Alam mo 'yon? Nakakagulat din kasi ang daming tao sa mundo tapos ikaw minahal ko?

War:

Ako?

Aestelle:

Sino pa ba, tanga ka?

War:

Teka.

Huh?

Wait.

Aestelle:

Tanga ka. Ano, lost ka?!

I love you.

Mahal din kita gago.

War:

Si Janus??

Aestelle:

Happy crush.

Kaya nga ang weird diba?!

Kasi si Janus gusto ko. Kaso dumating ka! Tapos ginulo mo lahat! Ginulo mo buhay ko! Ginulo mo puso ko! Pero ikaw 'yong gulo na gusto ko! Ikaw 'yong gulo na hahayaan at paulit-ulit kong patutuluyin sa buhay ko!

Kasi mahal kita.

Na kahit na masakit 'yong nakita ko kagabi, na kahit na naisip kong gago ka, gusto ko pa rin marinig ka! Gusto ko pa rin makita ka! Gusto ko pa rin sumubok sa 'yo.

War:

Love naman.

Please, face me.

Let me see you.

Okay?

Hmm?

Seen, 1:15 AM

Shameless (Bump, Set, Spike #1) (To be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon