Trains

10.2K 83 3
                                    

"I want to be your favorite hello and hardest goodbye."

Akalain mo yun, ilang araw palang ang nagdadaan pero andami nang nagbago. Ikaw, ako, TAYO.

Gustong gusto ko sisihin sarili ko kasi ako naman nagsimula lahat. Mas okay na sakin yung ako nalang nasasaktan kesa ikaw. Ganoon kita kamahal. ""Sabi nga sa kanta, if this is infatuation, then why does my heart aching?"" Sana hindi nalang ako nafall. Sana itinago ko nalang lahat. Sorry, nagmamahal lang ako eh.

Alam mo yun, kasing labo ng pagsakay sa tren pag rush hour ang sitwasyon natin ngayon. Parang pagsakay din sa tren na puno na pero pinipilit padin ipagsiksikan ang sarili, ikaw lang din mahihirapan kasi alam mo na ngang di pwede, pero pinilit mo parin. Sana yung sakit, kasing bilis lang din ng tren pag umaalis sa isang station. Sana sa pagalis ng tren, maiiwan lahat ng memories at magmomove on na sa next station ng buhay.

Sana ganoon nalang kadali lahat, para hindi na ko araw araw umiiyak. Gulong gulo sa pagkamiss sayo at sa pagpigil ng damdamin ko. Sana isang mahabang panaginip nalang lahat ito at pag gising ko, ikaw parin yung dati kong kakulitan, kadaldalan pag mulat ng mata hanggang sa pagtulog, kasama sa mga masasayang alaala at malulungkot na karanasan. Kasi ngayon, kung kailan kailangan na kailangan kita, ikaw yung wala.

Malapit ko na din naman iwanan ang pinakamamahal na unibersidad na ito, pero hanggang ngayon hinihiling ko na sana hindi ka kasama doon sa mga iiwan ko. Hanggang ngayon umaasa parin ako na magiging okay tayo bago ako tuluyang umalis.

Ilang buwan nalang, sana masasayang alaala nalang ang matira satin. Sana itong last wish ko, matupad mo.

Tanga na kung tanga, pero mahal kita. At pipilitin kong kayanin na maging best friend mo nalang hanggang mahanap mo yung taong kaya mo na ipaglaban. Yung taong nakatadhana para sayo.

CD 
2015 
College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon