3.2

1.9K 12 0
                                    

Tatlong taon at dalawang buwan, 

Lumipas ang panahon ng hindi namalayan.
Napakarami na nating pinagdaanan,
Nagkakilala, naging magkaibigan.
Nagkausap, nagkaintindihan. Umibig at nagkaiwanan

Tatlong taon at dalawang buwan,
Eto na sana tayo ngayon,
Kaso tadhana ay hindi umayon. Sinubok man ng mga kahapon. Mga pinagsamahan man natin ay natapon...

Tatlong taon at dalawang buwan,
Pinatalo mo ako pero ako'y lumaban.
Sinuko mo ako pero ako'y nanindigan.
Kasi ayaw ko ng may pagsisisihan.

Tatlong taon at dalawang buwan,
At parang sayo'y wala lang, Hindi ka man lang ba nanghinayang?
Ganun pa man hanggad ko'y iyong kaligayahan.

Tatlong taon at dalawang buwan,
Ito ay sapat na,
Hustisya ng iyong paglimot, Aking nakamtan na.
Minahal ko na ang aking sarili, Habang sa iba ika'y patuloy na nawili.

Tatlong taon at dalawang buwan,
Marahil ating kwento'y hanggang dito nalang.
Kwento man nati'y nagtapos, Pagmamahal nama'y minsan naging lubos.

Tatlong taon at dalawang buwan,
Ikkwento pa rin kita sa magiging anak ko,
Hindi bilang isang pagkakamali, Maaring isang aral mula sa pagkakasawi.

Tatlong taon at dalawang buwan,
Tama na, eto na ang sukdulan.
Hindi man alam kung paano magsisimula muli,
Sinisigurado ko naman sayo, eto na ang huli.

Babe
2013
Commerce


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon