Yellow Rose Once Loved By Mr. Engg

15.6K 317 15
                                    

Isa kong blogger. Halos lahat ng nangyayari sakin, pinopost ko sa blog ko. Wala ni isa sa mga kakilala ko ang nakakaalam ng blog ko na yun kaya dun ko nilalabas lahat ng nararamdaman ko. 

Meron akong manliligaw. 2 years na. Pero unfortunately, friend lang ang tingin ko sa kanya. Ayoko naman na paasahin siya nun pero parang ganun yung nagawa ko. Pinagbigyan ko siya. Madalas kaming lumalabas. Nanonood ng sine, food trip, atbp. After ilang months, ang nangyari, kinain ko yung sinabi kong kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Bigla akong nafall kasi super bait niya. Narealize ko na di pala natin masasabi ang dapat nating maramdaman para sa isang tao. 

Patuloy pa rin siya sa panliligaw noon. Di ko alam kung dapat ko na ba siyang sagutin. Ang ginawa ko, humingi ako ng sign and nilagay ko sa blog ko yun. Sabi ko, sa loob ng isang buwan kung magbibigay siya ng yellow rose sakin, sasagutin ko na siya. (Alam niya kasi na yellow ang favorite color ko at medyo rare yun). Nagbakasakali lang ako sa sign na yun. Super destined kumbaga kung mangyari man.

After a week, nakita ko sa labas ng room namin, may isang yellow rose. Di ko alam kung bakit. Kung paano. Pero nagulat talaga ako kasi MERON. At may kasamang ferrero at note, “Will you be my girlfriend?” Di ko siya mahanap noon kaya tinext ko siya “YES”. Tinago ko yung yellow rose at inipit sa favorite book ko.

Ilang months kami naging masaya sa relationship namin hanggang sa pareho na kaming nagcollege at nakapasok sa UST.

Dahil sa ilang reasons, napadalas pagaaway namin. Hanggang sa nakipagbreak siya a day before paskuhan. Nagkita kami nung mismong paskuhan para iclarify yung reason ng pakikipagbreak niya. Nasa mcdo P. Noval kami nun at tinanong ko na siya kung bakit. Ang sabi lang niya “Akala ko kasi ikaw na eh.” Anim na salita lang yun pero ang sakit pa rin. 
10:30 palang, umuwi na ko nun. Nahiga ako sa kama ko. Kinuha ko yung book and balak ko itapon yung yellow rose na nagpapaalala sa kanya. 

Nakita ko page kung saan nakaipit yung yellow rose na may kumalat na yellow ink/paint at yung rose naging white na. Di naman pala talaga yellow.

PILIT NA DESTINY.

Ms. Yellow Rose once loved Mr. Engg
2014
Faculty of Pharmacy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon