Sinister II

11.7K 105 3
                                    

Hello. I was the one who sent the confession entitled "Sinister"

Seriously, people? I know it's shocking to know pero yes, nakaka experience din naman kaming mga third sex ng ganito. Hindi lang naman straight guys/girls ang may karapatan masaktan. And in my case, sobrang nasaktan ako. Dahil napaniwala ako ng lalaking yun na ok ako, na ok kami, na ok siya sa ganito. Readers, siguro nga hindi ito pangkaraniwan dahil isa akong bakla, at ang tumikim sa minahal ko ay kashare ko ng dugo at laman, pero tao parin ako. Kahit iba ang kasarian ko sa loob kaysa sa kasarian ko sa panlabas, tao padin ako. Medyo nadisappoint lang ako sa mga comments ng iba. Pero at the same
time natouch padin kaya I want to thank you all for the comments especially sa mga nagpamukha sakin na ang tanga ko because i fell inlove with that ass. Naaappreciate ko ang mga advice nyo. Its been a year since that happened. Di padin kami ok ng ate ko. Di sya nagpasko samin. Ako naman ang di nag new year samin. Siguro talagang nasa iwasan stage padin kami ngayon. At inaamin ko na sobrang galit padin ako sakanya. At di ko pa sya kayang kausapin, pakisamahan, at pagkatiwalaan ulit.

P.S. Sana matuto tayong buksan ang isip natin sa mga ganitong bagay. Bakla man ako, tao padin ako, may damdaming nasasaktan, may puso na nagmamahal.

keroppi
2010
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon