Falling In Love at The Wrong Time With The Wrong Person

2K 15 0
                                    

Alam nyo ba kung gaano kahirap magmahal sa maling oras lalo na sa maling tao?

Yung gusto mo syang alagaan, gusto mong iparamdam sakanya kung gaano sya kahalaga sayo pero di mo magawa. Kasi mali ang lahat. Mali ang oras. Mali ang pagkakataon. Mali ang tao.
Dear Wrong Person,
Hindi naman ako ganito sayo dati. Dati okay naman kasi kahit di kita makausap ng buong araw. Dati hindi naman kita hinahanap hanap. Dati okay naman sakin kahit hindi kita makita. Dati hindi ka naman nageexist sa buhay ko. Isa lang kitang kaklase noon. Pero hindi na ngayon. Sa tuwing papasok ako, ikaw agad hinahanap ko. Excited akong pumasok araw araw kasi alam ko makikita kita. Kada oras, hinahanap hanap kita, nililingon kita kung saan ka nakaupo, sinusulyapan kita. Gusto ko lagi kitang kasama. Kahit na hindi tayo nagkakausap okay lang sakin basta kasama kita, nakikita kita. Natutunaw kasi ako kapag kausap kita. Lalo na kapag natititigan ko yung mata mo at nakikita kitang nakatawa. Nahulog na talaga ako sayo ng hindi ko sinasadya. Hindi ko talaga to sinasadya. Hindi ko rin ginusto. Basta ko nalang naramdaman nung summer class natin, nung nagkakasatan tayo tapos bigla mo kong nayakap. Iba na naramdaman ko non. Nabigla din ako. Napatigil ako non. Lumayo ako sayo non. Pero hindi ko din kinaya kasi nakakaramdam lang ako ng saya kapag kasama kita. Masaya lang ako nung buong summer class natin. Masaya ako kapag nakikita kitang masaya kahit na hindi naman ako yung dahilan. Masaya ako kapag masaya ka kahit na iba yung nagpapasaya sayo. Basta masaya ka, okay nako don. Kaya lahat ng makakapagpasaya sayo, ginagawa ko kahit na mahirapan ako. Alam ko napapansin mo na yung mga kinikilos ko kaya medyo dumidistansya na ako sayo. Ayoko din kasi ng nararamdaman ko. Hindi ko talaga to sinasadya. Hindi ko din ginusto. Basta naramdaman ko nalang na masaya ako kapag kasama kita. Pinipilit ko ngayon na pigilan tong nararamdaman ko Pinipilit ko ngayon na ibaling sa ibang tao yung nararamdaman ko. Ayoko kasing mahirapan ka. Ayokong maging kumplikado ang lahat sa pagitan natin. Gusto ko masaya ka lang. Mahirap ang iwasan ka lalo na ngayon na mas naging close na tayo. Ang hirap na pigilan yung pagpapahalaga ko sayo. Minsan kasi hindi ko na namamalayan na mas inuuna na kita kaysa sa sarili ko. Ganon ka kahalaga sakin ngayon. Hindi ko alam kung paano nangyari. Basta naramdaman ko nalang. Na mahal na kita. Pero hindi pwede. Kasi pareho tayo ng kasarian. Hindi ko alam kung paano pero pipigilan ko to kasi ayokong mahirapan ka. O itatago ko nalang hanggang sa makagraduate tayo. Basta ang mahalaga maging masaya ka lang lagi. Palihim nalang kitang aalagaan. Tutulungan pa kita sa taong mahal mo. Basta masaya ka, okay na ako, magiging masaya na din ako.

Ganon yata talaga kapag nagmamahal ka ng totoo. Kahit na masaktan ka, gagawin mo mapasaya mo lang yung taong mahal mo. Hindi ako naghahangad ng happy ending samin. Hindi naman sa sinasabi kong mali yung ganitong relasyon, pero ayoko lang pumasok sa kumplikadong relasyon. Ayoko syang mahirapan. Saka may iba din syang mahal kaya ayoko din umasa. Okay nako na nakikita sya lagi. Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko ngayon. Para na kasi akong sasabog. Wala kasi akong mapagsabihan. Hindi ko rin alam kung maiintindihan ako ng mga kabibigan ko kapag sinabi ko sakanila. Natatakot din ako sa sasabihin nila. Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. Ngayon ko lang kasi naramdaman to. Hindi ko alam yung gagawin ko. Pero yung tama nalang ang iniisip kong gawin.

Alam ko hindi to kagaya ng ibang kwento na may ka sparks. Pero salamat pa din sa pagbibigay nyo ng oras na basahin ito.

Someone who fell in love with the wrong person
2010
Not from UST


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon