10 Seconds Superhero

2.1K 38 1
                                    

Pagbaba ko ng jeep kanina may nakita akong isang magandang dilag. Napukaw nya ang aking mga mata at tila bahagyang lumundag ang aking puso sa kanyang maladiwatang kagandahan. Oo ganun ka OA yung reaksyon ko. Sinundan ko sya dahil gusto kong masilayan muli ang kanyang itsura. Baka namamalikmata lang pala ako. Ngunit napakailap nya, parang hindi payag ang tadhanang makita ko muli ang kanyang muka. Binilisan ko ang paglakad ngunit sa pabilis din sya. Hanggang sa makasabay ko na sya sa paglalakad, ang kulang na lang ay ang paglingon nya. Sa di kalayuan may nakita akong kumpol ng mga kalaban. Mga kumpol ng mga mangyan na nanghihila ng damit, nandudura at nananakot sa mga nadaan bigyan lang sila ng barya. Hindi pa man kami nakakadaan sa kumpol na yun ay alam ko na ang mga susunod na mangyayari. Nag-isip kaagad ako ng plano, kailangan mailigtas ko ang dalaga sa tiyak na kapahamakan. Bumilis ako ng paglakad at umuna sa dalaga upang makapunta sya sa likod ko at makapagtago. Pumunta nga sya sa likod ko ngunit napansin sya kaagad ng mga kalaban. Nilapitan nila ang dalaga, kinapitan at pinipilit ang dalaga na bigyan sila ng barya. Kaya humingi sa akin ng tulong ang babae. Bakas sa muka nya ang takot at pangamba. Ang ganda pa rin nya kahit natatakot na sya. Kailangan ng matigil to at kailangan ng mailigtas ko ang dalagang ito, yun ang sabi ko sa aking sarili. Kaya pinigilan ko ang mga kalaban. Hinawakan ko ang braso ng isa sa kanila at pinigilang lumapit sa dalaga, ngunit nanlaban siya at nagcounter attack. Sinipa nya ako, pero dahil dati akong ninja ng konoha madali ko tong naiwasan. Hinila ko ang kanyang kamay at inihagis sa kanyang mga kasamahan. Bumawi ang kanyang mga kasamahan. Susuntukin ako ng isa nilang kasamahan sa muka pero nakayuko kaagad ako at pinaulanan ko sya ng suntok sa kanyang tiyan at dibdib. Bigla naman akong dinambahan ng isa pa nilang kasamahan at kinagat ang aking balikat. Kaagad kong hinawakan ang kanyang damit at binalda sa lupa. Naglabas naman ng patalim ang isa pang kalaban at inaro sa aking muka ngunit mabilis kong nasipa ang patalim at in-upper cut sya. Maya maya pa ay may dumating ng mga pulis kaya nagsitakbuhan na sila papalayo sa amin. Nilapitan ko ang dalaga at tinanong kung nasaktan ba sya. Nagpasalamat ito sa akin at ako'y kanyang inakap.

Yan ang akala kong mangyayari kanina pero hindi pala. Pagkapigil ko sa mga manyan ay ako naman ang kanilang nilapitan lahat at hiningan ng barya. Wala akong nagawa kundi bigyan sila ng tig-lilimang piso bawat isa. Sumakay naman kaagad ang babae ng hindi man lang ako nilingunan at pinasalamatan. huhuhu. Wala tuloy akong pang-lunch frown emoticon

Apollo 18
2015
Engineering


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon