Funny

2.7K 54 0
                                    

Ang funny lang na may pambili ka ng bagong bag, make up, sapatos at damit pero walang pambili ng yellow pad paper.

Ang funny lang na may pambili ka ng bagong smart phone pero di pa bayad ng full 'yung tuition mo.

Ang funny lang na umaattend ka ng Church, proud ka pa sa status mo sa Facebook, pero ang bilis mo magjudge sa mga Atheist.

Ang funny lang na ang dami mong oras ka sa social media, pero sa pag-aaral slight lang.

Ang funny na nagrerebelde ka pa rin sa magulang mo, pero humihingi ka naman ng allowance pang party kada week.

Ang funny lang na ang hilig mo mag-nag sa siyota mo, pero di mo kaya i-tama ang mali mo.

Ang funny lang na ang hilig mo rin magbash sa mga bi/gay/transgender, pero di mo mapanindigan pagkalalake/pagkababae mo.

Ang funny lang na ang hilig mo pumintas ng iba, pero pag ginagawa sa'yo masyado kang apektado.

Ang funny lang na sinisisi mo 'yung society, bakit di ka ba kasama don?

Sarcastic na kung sa sarcastic, pero ang funny eh.

Ha ha huh
2013
CFAD


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon