Lalaking Mapagmahal sa Pamilya

18.6K 391 7
                                    

Last Monday, sinamahan ko yung boyfriend ko sa isang mall. Di ko alam kung date ba yun o ano man. Basta bigla lang siyang nagyaya. sinasabayan ko lang yung lakad niya nang mapansin ko na papunta kami sa isang jewelry shop. Habang tumitingin siya ng mga kwintas, napapaisip ako kung anong meron. May nakalimutan ba ako? Bigla siyang humarap sakin then nagtanong..

"Sa tingin mo ano dito magugustuhan ng mommy ko?"

Wow. Actually, hindi ako na-off. Hindi ako nakaramdam ng pagdadrama dahil sa expectations ko. Pero eto lang, nung narinig ko yung tanong niya, napangiti ako. Natuwa.. Feeling ko nakita ko yung isang side niya. Sa buong araw na yun, naghanap kami ng pwede niyang iregalo sa mom niya.

Para sakin, nakakalambot ng puso yung mga lalaki na mapagmahal sa pamilya.
I feel so lucky. 

G
2013
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon