4.5 Years

1.9K 7 0
                                    


This is about my experience, well love story namin ng ex ko of 4 and a half years.

The first time I saw you grade 6 palang tayo moving to 1st year highschool, naglalakad ka papunta sa room for your entrance exam sa school ko. You were wearing a black shirt with a superman logo sa harap, which is too big for you that time btw, then naka loose pants ka tas flip flops. That was a Saturday, i was supposed to be doing my homework but my friends told me na may gwapong mageentrance exam. Pero honestly nung tinuro ka nila napaisip ako kung matalino ba talaga sila. Di ko naman sinasabing maganda ako perooo.. Basta. Tapos nung nagstart na ung school year magkaiba tayo ng section, I still can't believe na popular ka. 2nd year, naging jowa mo isa sa friends ko, i know you still remember na sinabi ko sayo face to face na "never kita magugustuhan!", ewan ko tinutukso kasi nila akong type daw kita e hello may jowa ka nun at friend ko pa! Pero nung nag3rd year HS tayo kinain ko lahat ng sinabi ko. Dahil sa isang simpleng laro sa klase na-develop tayo. Humiram tayo ng mga costume ng nakamotor, kain sa labas at stroll. Hanggang sa sinabi ko "AKO, MAHAL IKAW." At yun ang isa sa matatawag kong "a beautiful mistake". Naging tayo.

Nagkaprob tayo as a couple kasi catholic school. Buti nalang pagraduate na tayo nun, pinaglaban nga kita sa parents ko, bawal pa ako magbf pero nakita ko worth to fight e. Hanggang sa wala na tayong kalaban. Akala ko lang pala.. Ang saya, college same school tayo, different courses pero we see to it that we give each other yung time na mabibigay natin. There were times na tinatakas kita sa dorm ko, ang galing nga natin e. Haha. Pero 1st year, nabaling sa iba tingin mo. Nagmakaawa ako, nagsorry, pinakawalan ka pero bumalik ako para itry ulit, pabago bago ka ng isip nun, ang sakit that time kasi akala ko okay tayo, akala ko hindi mangyayari yun. Sinabi ko pa nga that i'm willing to be the second choice wag ka lang mawala. After 3 days, nakita mo ko sa mall, niyakap mo ko, hindi ko alam pero hindi na natin pinagusapan ung nangyare. Bumigay nalang ako.

After couple of months nag-live in tayo while still in college, surprisingly di nagreklamo parents natin. Grabe, i was having the best college life after that incident. Sobrang naging okay tayo. Ikaw kasi talaga buhay ko nun e. Di ko maisip dati na hindi ikaw kasama ko in the future.. Pero nagbago nanaman pala.

After nating grumaduate pumunta akong ibang bansa, sabi ko saglit lang ako, para satin to, pero after 2 months nakipagbreak ka, back to the pain and heartache nanaman ako, I didn't understand what's going on, paulit ulit inisip ko tangina anong kulang? Tangina 4 years and a half tinapon mo? Ang masaklap pa sabi mo sakin na isang taon mo nang gustong makipagbreak, tinanong kita meron bang iba, sabi mo wala. Hindi ka pa ba natuto? Iba ang kutob ng babae! Alam ko, alam mo na meron. Bumigay ka din sinabi mo na oo meron, nasa trabaho ako nun pero di ko mapigilang humagulgol. Tapos sasabihin mong mahal mo ko pero ayaw mo na? Lul. So pinakawalan kita. Ano ba namang laban ko sa ganda ng bago mo? Ilang buwan din bago ko naisipang in order to move on i have to be happy, so i tried to meet guys but nothing worked. Then I realized dadating si happiness kelangan ko lang for now i-forgive sarili ko at ikaw. Sorry sa pagkukulang ko at di kita napasaya. Salamat sa lahat ng natutunan ko from you. Kung nasan ka man sana masaya ka na at kuntento. All i want in life is to be happy, onti onti papunta na ako dun. Sana malapit na..

Cookie Monster
2010


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon