8 Signs na Hindi Ka Pa Nakakamove On

4.5K 36 0
                                    

8 Signs na Hindi ka pa nakakamove on

1. Kung hindi unfriend, ia-unfollow mo siya sa mga social media account mo kasi masyadong halata yung pagkabitter kapag binlock mo siya.

2. Nakasave pa rin sa cellphone mo yung screen capture ng mga pinakasweet na harutan niyo sa text at fb chat.

3. "Hu u?" ang irereply mo kapag sinubukan ka niyang itext, para isampal sa pagmumukha niyang dinelete mo na yung number niya, kahit alam mo naman sa sarili mo na saulado mo pa rin yon.

4. Kahit bagsak ang quiz mo sa math, makukuha mo pa ring mag-nae nae para naman mukhang walang nangyari at magmukha ka pa ring masaya sa mga pinopost mo.

5. Dahil hindi na uso yung gm na sa kanya mo lang naman isesend, mag-i-status ka na lang ng linya na hinugot mo pa sa pantog mo kasi feeling mo may magagawa yon sa sakit na nararamdaman mo.

6. Feeling mo lahat ng tweets at status updates niya tungkol sayo. Kaya iwiwish mo sa 11:11 na sana adobo ka na lang dahil sa status niya kaninang lunch na "Love this adobo."

7. Ipapatawag mo lahat ng kaibigan mo para naman may kakampi ka sa pagsabi na walanghiya talaga yang ex mo.

8. Pupunta ka sa AdVice Ganda, Problem Solving, at sa tumblr ni MasterIstoker (charot) para humingi ng advice kung paano ba magmove on, kasi pag sa iba nanggaling, mas mukhang kapani-paniwala.

MasterIstoker
2012
Faculty of Engineering


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon