Pahiya Konti

20.4K 507 88
                                    

Sumakay ako ng FX, and then habang naghahanap ako ng bakanteng upuan, napansin ko si ate taga FEU siya kase halata sa uniform at id nya, so ayon, tumabi ako sa kanya kase pota ang ganda nya at malandi ako, nagkataon pang sa FX eh sa pagkakaalam ko pinaglihi sa sparks and shit ang FX base sa mga nababasa ko dito sa ust files.

Di maalis tingin ko kay ate, kase napaka amo ng mukha nya, chinita, walang make up, dalawa ang dimples. Yung tipong mapapamura ka sa ganda "potaena ganda nya." type na type ko talaga siya.

So ayon, dahil gusto kong magpa impress sa kanya, nilabas ko notes ko at kunwari magrereview ako, mga ganon ba. Review dito, memorize don, may pag hand sign pa ko ng kunwari nagbibilang and shit kahit wala na kong math subject. Napansin kong napatingin saken si ate tas napangiti, edi ako naman medyo nag flush kase syempre kinilig ako ng konti.

Akala ko magiging ok na lahat ng pumara na si ate kase malapit na ata siya sa bababaan nya, malamang. Ok na sana eh, pota ok na sana talaga kung di ko lang narinig yung bulong nyang nilakasan nya talaga, tangina di na pala bulong yon.

"Pusang galang sulat yan, parang kinahig ng baboy ramong bading, ampota."

Pusang inang yan, napahiya ako don kaya tinago ko na notes ko. Tinawanan tuloy ako ng mga pasahero, nabawasan dignidad ko pota,

Di panget sulat ko, sadyang mabilis lang akong mag process ng information kaya ganyan penmanship ko ina mo!"

Mongi 
2012 
College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon