Nakakairitang GF

3.7K 59 7
                                    

Nakipag break ako sa girlfriend ko dati dahil inaaway niya ko. Meron kasi akong batchmate. Maganda siya. Wala akong feelings para sakanya maliban sa nagagandahan ako sa kanya. Kasi para sakin di talaga ko nagkaka crush sa tao pag di ko alam ugali. So nag post siya ng portrait. Maganda siya dun. Maganda yung make-up, yung kuha, yung angle. Magaling din yung photog. So ni-like ko kasi LIKE ko naman talaga yung picture. Tas bigla nalang nang-away si gf dahil ni-like ko.

GF: Sino to bat mo ni-like?
Me: A batchmate ko. Ganda ng kuha nooo?
GF: Crush mo?
Me: Nope hahaha di nga kami magkakilala niyan
GF: Eh bat mo ni-like?
Me: Kasi ""LIKE"" ko yung pic kaya ko ni-like. Maganda kuha tas ganda niya din diyan.
GF: So maganda siya?
Me: Kahit ikaw naman nagagandahan diba?
GF: So crush mo nga?
Me: Hindi nga.
GF: Eh bat ka nagagandahan?
Me: Bakit lahat ba ng gwapo crush mo? Pag maganda crush agad? Di ba pwedeng huminto sa ""nagagandahan"" kelangan may kasunod na crush agad? <napikon>
GF: <Di nag-reply.>

Tas everytime nalang bini-bring up niya yun kahit sa ibang babae.

""Ang ganda ng painting niya no?"" -Bakit crush mo?
""Wow galing niya magsayaw"" -Crush mo naman?

UGH.

Tapos kapag naglalaro ako ng Dota kasama friends ko sasabihin ko

Ako: Laro lang ako ng Dota with friends. Di ako makaka text ha. Reply nalang ako after
GF: Wag ka nalang maglaro.
Ako: Wait minsan lang to.
GF: Wag naaaaa
Ako: Gusto ko maglaro eh frown emoticon
GF: Di mo ba ko gusto kausap?
Ako: Ehh magkukulang sila pag di ako naglaro. Tsaka gusto ko rin.
GF: Wala mas importante sila kesa sakin
Ako: squint emoticon Gusto ko lang naman maglaro. Yun lang naman. Kaligayahan ko yun.
GF: Di ka ba maligaya pag kausap ako?
Ako: MADAMI naman kasing klase ng kaligayahan
GF: <di nagreply>

tas sa lahat nalang ganon din siya. Pag iinom, lalabas with friends. kKLLAdljdl!! Di naman ako kakainin ng lupa kapag sumama sa mga kaibigan ko.

PLATES:

Ako: Hon hati muna kayo ng plates for the next 2 weeks ah
GF: Ayoko ng may kahati frown emoticon
Ako: lol wala eh kelangan eh
GF: Mas inuuna mo yang plates mo sakin
Ako: Hon hindi naman sa ganon pero kasi madaming nakasalalay sa isang plate eh.
GF: So ano yun hindi tayo magkikita for two weeks?
Ako: Baka frown emoticon Bawi nalang ako
GF: Baka naman may iba ka na?
Ako: PLATES yung ""iba"" ko. HON please naman frown emoticon support me nalang!
GF: Inuuna mo yang drawing na yan! Madali lang naman yan bat mo kelangan ng two weeks?
Ako: </rage> <di nagreply>

KAASAR! Bat ba may mga ganyan!!!

Patience
2017
CFAD


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon