Ms. Tanga of Novaliches

2.2K 6 3
                                    

Tanga ba ako? Oo sobra. Ewan ko ba bat ganon nalang tama ko kay G. Si G ay ang boyfie ko mula 1st yr hs ako hanggang sa first month ng pagiging 3rd yr hs ko.

Nagbreak kami nung June 25, 2013. 4pm. Yes tanda ko pa. Sa park malapit sa school namin. Habang umaambon. Sinabi niya sakin na ayaw na niya, at niyakap ko siya at umalis na. Iniwan niya ako sa dun habang umaambon.
Nalaman ko a week later may bago siyang nililigawan, ung babae na matagal ko ng pinagseselosan, si F. Masakit pero wala akong magawa.
Dumating ang September at wala siyang napala kay F, at binalikan niya ako.
Tinanggap ko ba? Oo. Wala ee mahal ko ee. Deep down ayoko pero mahal ko talaga siya. Pero di din nagtagal at iniwan nya ulit ako, para kay I. Ibang girl.
By the time ng March 2014 binalikan niya ulit ako. Nung una ayoko. Pero pinilit ako ng bestfriend ko. At deep down alam kong siya ang kukompleto ng emptiness na nararamdaman ko. Di tumagal tinanggap ko ulit siya.
Alam mo ung feeling na alam mong masasaktan ka lang pero tinutuloy mo padin kasi mahal mo at umaasa kang magbabago siya? Kasi malay mo this time mag work kayo diba?

Ofcourse as expected. Nagsimula nanaman siyang manlamig sakin at nagsawa lang siya sakin. By the time ng Aug 2015, wala nanaman kami. Nalaman ko dahil gusto niya ulit si I. Ang hirap kasi kinabukasam nom UPCAT. Di ako nakapag focus ng exam.

By that time. Sabi ko sa sarili ko, magsisikap ako, ipapasa ko ang USTET, UPCAT, DCAT at ACET, pipilitin kong grumaduate ng as Valedictorian para makita niya ung halaga ng iniwan niya.

Well pumasa ako ng DCAT at USTET. Oo di padin ako makamoveon kasi nasa iisang paaralan lang kami.
Kaya ready na ako grumaduate at magaral na sa UST para tuluyan ko na siyang makalimutan at makamoveon.

Nakamit ko ung goal ko na maging Valedictorian, at ung goal ko na pagsisihin siya. Nagsisi siya at binalikan ako.
Ewan ko ba bat ang tanga ko at tinanggap ko padin siya. Nung una masaya kami. Parang walang nangyari dati. Yung tipong parang di ako nasaktan non. Ngayon nagkaroon ako ng dahilan para magstay. Suddenly ayoko pa magcollege.

Naging okay relationship namin until this week. Nagkalabuan na kami. At base on experience, alam kong iiwan nya na ako soon. Kung dati ayoko umalis ng school namin sa Novaliches dahil sakanya, ngayon ayoko na bumalik ng Novaliches. Kasi pag nandito ako sa UST, masaya lang ako. Oo naiisip ko siya pero may mga kaibigan ako para pasayahin ako.
Ngayon nandito ako sa UST. Ayoko na umuwi dahil kay G.

Nasasaktan lng ako. Oo tanga ako. Pero anong magagawa ko? Mahal ko talaga siya. Tbh deep down umaasa padin akong maayos pa kami. Siya ang first legit love ko.
Siya na binabalikbalikan lang ako,
Siya na ilang beses ako iniwan,
Siya na ilang beses nagpaluha sakin,
Siya na kumukumpleto sakin,
Siya na di makita ang halaga,
Siya na nag ngangalang G.

Deputy
2015
College of Architecture


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon