Sintas

19.7K 512 32
                                    

Pauwi na kami at naglalakad na sa lovers lane papuntang Espanya nung gabing yun. Tahimik lang kami pero hindi awkward. Tapos biglang napansin ko hindi ko na siya kasabay maglakad. Paglingon ko, nakaluhod siya at nagtatali pala ng sintas ng sapatos niya. Nilapitan ko siya kasi medyo ang layo ko na bago ko napansin. Paglapit ko, tapos na niyang itali yung sintas.

"Tara na?"

Hindi pa siya tumatayo.

"Uy..."

Tiningnan niya ako at ngumiti lang siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko sa unang pagkakataon. Huminga siya ng malalim.

"I love you. Ang tagal ko nang tinatago. Hindi ko na kaya eh."

Parang tumigil ang oras at paghinga ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naiyak ako bigla. Naiyak ako ng sobra. Nagulat siya at parang hindi alam ang gagawin. Tumayo siya at niyakap lang ako.

"Hindi mo naman ako kailangan suklian. Gusto ko lang na sabihin na sayo kasi parang sasabog na ako. Naiintindihan kong nagulat ka. Tahan na."

Napatahan niya rin ako. Inabot niya yung panyo niya sakin. Habang napupunas ako ng luha, sabi niya...

"Ano, tara na?"

"Tara na?.... Ayoko... Gusto ko tayo na."

School Shoes
2010
College of Science

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon