To the man who made me his option and not his choice

12.9K 127 5
                                    

I want to be someone's choice not just an option!

Naranasan mo na bang icompare ang love story mo sa mga movies? Ako oo.. May top 3 movies nga ako na makakadescribe sa story ko ngayon ee..

1. One more chance ( Bea Alonzo, John Lloyd Cruz)

Siguro naman madaming nakakaalam ng story na to kasi bukod sa may mga scene dito from UST madami din dyan na naghahanap ng one more chance.. I compare my story to popoy and basya, pero ang twist si Popoy na nga ang nagloko at nambabae siya pa may gana humingi ng time and space. Then nung birthday ko, nagpay off lahat ng pagmamakaawa at pagpaparealize ko kung gaano ko siya kamal.. He surprised me with a banner na may nakasulat na ""can we start all over again"" I said yes..

After a few months na naging okay ulit kami, dumating na yung second trial samin.. Siguro naman sasang-ayon sakin ung ibang mga babae na makakabasa nito, once na nasira na yung trust mahirap na ulit ibalik, kaya di mo masisisi sarili mo na magduda or maghinala kasi pwede niya ulit gawin yun.. Nag cool off kami dahil sa pagdududa ko, almost 1 month din akong nagmakaawa at nagtry magbago para sa kanya, but then it happened nagawa niya ulit, but ang reason niya is rebound niya lang daw yung girl.. I caught them, slapped him and walked away.. For me I knew that's the end of us.. naging sila na..

2. Starting Over Again ( Toni Gonzaga, Piolo Pascual)

After three months na walang communication with him akala ko pareho na kaming naka move on.. Pero mali pala ako.. Bigla nalang nangyari na nagkausap kami, nailabas lahat ng sama ng loob at galit.. Then I planned na after namin masettle lahat dapat wala ng communication. Pero sinabi niya sakin nung naguusap kami na almost 3 months na pero di pa din niya ako nakakalimutan at mahal pa daw niya ako.. Nalilito daw siya kasi mahal na din daw niya yung girl, so ako after niyang sabihin yun humopia ako na may possibility pa na magkabalikan kami.. Then we made the biggest mistake.. ""Alam niyo na yun"" Nagkasala kami sa gf niya.. Oo ang sama ng tingin ko nun sa sarili ko, pero di ko din masisi, medyo gumaan pakiramdam ko na nakaganti din ako sa babaeng umagaw sa kanya.. Pero may guilt talaga.. Then nagbreak sila, lalong lumakas yung pagiging hopia ko na magkakabalikan kami, pati mga mutual friends namin.. 1month din kaming parang kami pero di kami, we act like bagong magjowa lang.. But then before the year end nagdecide na siya na balikan yung girl, hindi dahil mas mahal niya, kundi dahil nakiusap sa kanya yung parents niya na sana hanggang magkaibigan nalang kami.. Sakit db? Of all people sana di nalang yung babaeng yun, mas matatanggap ko pa kung iba.. Kasi sa tuwing nakikita ko yung pagmumukha nung babae naaalala ko yung kataksilan nila sakin.. At ang pinakamasakit pa dun hindi niya ako pinaglaban sa mga magulang niya.. Nagsorry lang siya na hindi pa daw niya ako kayang ipaglaban.. Kaya parang si ginnie yun din ang tanong ko, bakit pa niya ulit kami pinagtagpo, bakit pa siya bumalik kung kelan okay na ako..

3. One more try ( Angel Locsin, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban)

Single mom si angel sa movie na to pero may lalaki pa din na tumanggap sa kanya kahit may baby na siya at pinanindigan siya hanggang sa huli.. 2015 na, and I'm not getting younger.. I hope na kahit single mom ako may tao pa din na magaaccept sakin/samin.. I hope to find my zanjoe marudo soon! Akala ko kasi siya na yun kasi tanggap niya ako at ng pamilya niya kahit may baby ako, pero hindi pala.. Sana this 2015 makilala ko na yung man na nilaan sakin ni God..

PS: for the man who didn't choose me, i hope you'll be happy na.. Sana mapantayan or mahigitan ng bago mo lahat ng pagmamahal, pagaalaga, sakripisyo, oras, panahon na binigay ko sayo.. I hope she can make you a better man.. 
At para naman sa bago mo, please alagaan mo siya.. Kung gaano ko siya inalagaan at minahal noon sana ganun ka din sa kanya.. Sayang ang pang aagaw mo sa kanya kung papabayaan mo lang..

Ms. Alumni Associate 
2010 
College of Tourism and Hospitality Management

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon