Mas Masakit Kesa sa Buwanang Dalaw Mo

3.4K 27 0
                                    

Hi! I'm a bisexual and may girlfriend ako na best friend ko din. Two years na kami this June 18. Tago yung relationship namin na kami lang talaga ang nakakaalam. Pero kahit ganun sobrang saya namin. Sobrang feel namin na mahal namin ang isa't isa. Date dito, kain doon. Nood sine, gala, inuman o kahit saan man magkasama kami palagi. She's the love of my life.

Pero netong nakaraang linggo, bumalik yung guy na gusto nya bago ako. Sa una sabi nya friends lang daw sila, na nasasabi nya lang yung problema nya dun sa guy. Pero habang tumatagal ramdam kong bumabalik yung pagkagusto nya kay guy. Yung tipong kahit magkasama kami katext nya yung guy. Kapag di nagtetext si guy, malungkot sya kahit katabi nya lang ako. Noong one time pa, kumain sila na kasama ako na nagmukhang ako yung third wheel sa kanila. Lahat yun kinaya ko. Mahal ko sya e. Pero kanina, sabi ko sa kanya ""Gusto ko akin ka lang."" Sabi nya, ""Sayo lang ako. Pero... Let me play."" Alam kong hindi yun titigil sa paglalaro lang kasi maaari at posibleng magbalik lahat ng nararamdaman nya kay guy. Ang sakit, sobra.

Ngayong gabi, I texted her ""If you really want to play with him, then go. I'm not stopping you now. I want you to do what you want. And be happy. Gawin mo ang gusto mo. Pero wala na ko sa tabi mo. Masasaktan lang ako. Tama na muna, nauubos na ako e."" Pero ayaw nya kasi sabi nya gusto nya magstay kami pareho. Doon na ko nawasak ng sobra. If she really loves me, kaya nyang mawala yung isa para lang maiwasan na masaktan ako. Pero gusto nya magstay din sa buhay nya yung isa.

Naaawa ako sa sarili ko kasi bakit ko ba hinahayaan na saktan ako ng katulad nya? Naaawa ako. Kung pwede ko lang sabihin sa guy na please layuan mo na sya kasi sa akin sya. Kaso hindi pwede. Ang sakit lang, sobra. Wasak na wasak na ko."

Fragile
2015
DLSU

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon