Girlfriend ver. 2.0

2.2K 15 2
                                    

Hi I am an ex Thomasian. I have a girlfriend na thomasian din. Sabay kaming nag entrance exam and pareho naman kaming nakapasa sa mga gusto naming course. Napunta ako ng UST dahil sinundan ko siya, ang weird ko diba. Akala ko kasi magiging mas happy and mas ok kapag same kami ng university na pinasukan. Ikekwento ko muna yung story namin before maging kami.

We met nung 2nd year high school summer. Varsity ako nung high school and yung schools namin parang laging magkalaban kapag championship. Siya naman laging honor mahilig mag aral at may pagkanerd at oo aaminin ko hindi siya kagandahan nung mga oras na yun pero nakuha niya yung attention ko kasi siya lang yung babaeng nilandi landi ko tapos hindi ako pinansin HAHA. So ayun niligawan ko siya and all binigyan ko ng gifts stuff toys at kung ano ano pa and sa wakas naging kami din haha. soooooo fast forward tayo sa college.

Eto na college na since pareho kaming UST and medyo malayo yung mga bahay namin from school, pinagdorm kami pareho ng parents namin pero magkaiba kami ng dorm. So ayun mga first few weeks ok naman clingy siya and masaya naman kami pero syempre dadating naman talaga yung time na magkakasakitan kayo kasi di naman talaga maiiwasan yun diba. So fast forward ulit nagkasakitan na kami and all dahil sakin dahil sa pagsisinungaling ko na umiinom ako kasama yung mga friends ko. Dahil don napabayaan ko yung studies ko so ang ending puro singko yung lumabas nung nagrelease na nung grades. Napilitan akong lumipat ng ibang school dahil nga ang dami kong naging deficiencies. So eto na next school year na second year na yung girlfriend ko tapos ako naging irreg sa nilipatan kong university.

Pag dating nya ng second year, biglang nagbloom siya gumanda tapos biglang dumami yung mga nakakapansin and admirers niya. Syempre ako happy naman ako for her kasi alam ko naman na yun yung one of her ultimate dreams yung mapansin sya and maacknowledge ng mga tao bilang maganda nilalang. Pero naramdaman ko na nag iba lahat, di niya na ko masyadong tintext di na nya ko masyadong niyayaya kumain at dumating pa sa point na hindi kami nagkita which is very unusual for us kasi everyday kami nagkikita kahit na gaano pa kadami yung mga ginagawa namin. Ngayon hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko kasi feel ko ako na lang naman yung nagmamahal at umaasa na magiging masaya at maayos kami ulit.

umaasa
2014
Arts and Letters


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon