Background Check

12.3K 215 9
                                    

Girls, I just want to say na bago po sana kayo kiligin sa mga lecheng lalaki na yan.. Sana naman po mag background check muna.

Nakakaasar kasi. I had this manliligaw. Super sweet niya sakin. Everyday call and text.. Hatid sundo pa niya ako. Can't resist the kilig e. Tapos higher year pa siya. Feeling ko talaga ang haba haba ng hair ko. Everyday bukambibig ko siya sa mga friends ko. Kinikilig din sila. Sabi pa sagutin ko na daw kasi mabait, sweet, pogi, matangkad saka matalino.. Engineering eh. Chem Eng. Ang sweet namin nung paskuhan. Lalo na nung kinanta yung Kundiman. Syeeeet! Kulang na lang magpalitan kami ng mukha sa sobrang dikit namin. Sa ilang linggo niyang panliligaw, never kami nagka picture. Ayaw niya daw. Cam shy daw siya. Edi inintindi ko. Then nung pasko nagulat ako. May tumawag sakin. English spokening. Sabi niya she wants to see me daw. Starbucks daw kami. May pag uusapang importante regarding sa manliligaw ko. Eh wala naman ako ginagawa nun so nag go ako. Langya pagdating sa starbucks pinakita niya gallery ng phone niya pati inbox... Girlfriend pala siya nung manliligaw ko. Taga UP Diliman si ate. Ang sexy saka ang ganda. 5 years na sila. Nahiya ako grabe. Wala akong kaalam alam. Buti di niya ako sinampal or sinabunutan or what. Sabi lang niya pagpasensyahan ko nalang daw yung bf niya. Gago daw talaga yun. After nun di ko na uli kinausap si guy.

Then ngayong second sem pucha nangungulit na naman si kuya! Ina niya. Di na ako palilinlang noh. Alam kong sila pa rin ni ateng iska. At kahit mag break sila, wala akong balak syotain siya!

Camshy mo mukha mo 
2013 
College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon