Porket Gusto Ko Makukuha Ko

3.8K 30 0
                                    

gusto kitang makausap pero di ko alam kung pano at kung saan ako maguumpisa at kung ano ang sasabihin ko sayo.

gusto kong saktan mo ko, sugatan mo ko para malaman ko kung ano mas masakit, sampalin mo ko para magising naman ako sa katotohanan na ayaw mo na sakin pero patuloy ka pa din sa paghawak, hindi naman sa gusto kitang bumitaw pero sana kung di mo na talaga kaya bumitaw ka nalang di mo kailangan ng taong katulad ko kung macoconsider mo ko bilang tao.

gusto kong patayin mo ko ng mga salita mo na kailan man patuloy na pumapasok at nilalabas ko lang sa kabilang tenga ko.

gusto kong ipakita mo sakin na gusto mo ng bumalik sa dati mong buhay na di mo ko kailangan

gusto kong itaboy mo ko na parang may sakit ako na nakakahawa at pinandidirian ng lahat

gusto kong talikuran mo ko dahil isa akong masalimuot na experience sayo

gusto kong magalit ka sakin tulad ng paggalit mo sa mundo

gusto kong kamuhian mo ko

gusto kong gawin mo tong mga to

pero

gusto ko din wag mong gawin tong mga to dahil di ko kakayanin

dahil ang totoo

gusto kong yakapin mo ko tulad ng unang pagyakap mo sakin

gusto kong hawakan mo ang mukha ko

gusto kong sabihin mo sakin na mahal mo ako

pero sabi mo nga di lahat ng gusto ko masusunod

siguro nga nakatakda to sakin

siguro nga talagang ganito

dahil naging pabaya ako

sinabihan mo na ko dati na pahalagahan ka pero di ko ata nagawa at ngayon pinagsisisihan ko lahat.

sana di mo nalang ako nakilala

sana di nalang kita pinansin

sana di mo nalang ako nilapitan

sana di nalang din kita nilapitan

sana di nalang kita kinausap

sana di mo nalang din ako kinausap

sana di ka nalang nagopen up sakin

sana di ko nalang inalam buhay mo

sana puro sana pero lahat nangyari pinagsisisihan ko kasi nasaktan kita ung puso mo na dating sira, sinira ko pa lalo.

sana dumating ung araw na mararamdaman ko ulit ang yakap mo kahit yun na ang huli matatangap ko

ipinagdadasal ko nalang na sana makakilala ka ng higit pa saakin at alam kong makakakilala ka pa ng ganun.

sana maging masaya ka

patawad sa lahat...

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon