Wag Niyo Kong Tularan

2.9K 43 2
                                    


Wag niyo kong tularan

To the readers. Sorry kung mahaba ito. Dito ko lang kasi maibubuhos lahat ng mabigat na nararamdaman ko ngayon. Sana po paglaanan niyo ng panahon. Also, I need some of your advices and prayers.

Hindi ko alam kung ano ang mga tamang salita na gamitin para dito sa mga sasabihin ko na ito. Sobrang nagsisisi ako sa mga nagawa ko.

Four years...
Iyan ang taon na sobra kang nagdusa, nagsakripisyo at nasaktan para sakin. Apat na taon kitang pinagmukhang tanga, pinahirapan, pinaasa at sinaktan... Lahat ng masasakit na maiisip niyong pwedeng gawin sa manliligaw halos ginawa ko na sakanya. Kulang ang isang araw para ikwento ko lahat

1. Nandiyan na hindi kita nirereplyan tapos itetext lang kita para sabihin na matutulog na ko at wag mo muna ako kulitin kasi wala ako sa mood pero ang totoo tinatamad lang talaga ako. Tinatamad ako kasi nagsasawa na ko sa paulit-ulit na messages mo like ""Kumain ka na ba? Wag ka papagutom ha. If wala ka pang luto, dadalan nalang kita foods mo"", ""Umuulan ah. May payong ka ba? Wag ka magpapaulan ha"", ""Kamusta na yung pakiramdam mo? Sana di na gaano masakit yang puson mo. Smile ka na ha. Gusto mo dalan kita Ice cream?""-- yang mga ganyan. Nakukulitan na kasi ako.

2. Pupuntahan mo ko sa duty ko para dalan ng cake, ice cream, cookies or any desserts kapag night duty ko kasi ayaw mo na nagugutom ako. Tapos kahit madaling araw sa duty ko kapag nagtext akong nagugutom ako, darating ka na may dalang pagkain para saming lahat ng mga kasama ko. Tapos aalis ka na agad kasi alam mong ang sasabihin ko lang ay ""Thank you, may duty pa ako. Pasensya na di kita makakausap"". Ngingiti ka lang nun at aalis na kasi ayaw mo na nakakaabala ka sakin. Minsan makakareceive nalang kami ng pizza at sasabihin fully paid na. Alam kong sa'yo nanggagaling yun kapag 16 hours ang shift mo sa planta.

3. Magpapasundo ako sa'yo kapag busy yung isa kong manliligaw na mas gusto ko kaysa sayo. Pero nung one time na nagkasabay kayo, nagparaya ka. Kasi ang sabi mo ayaw mo ng gulo at dahil nakita mong masaya na ako. Ang sabi mo masaya ka na basta malaman mo lang na masaya ako at makauwi ako ng safe sa bahay. Di ko alam kung saan ka humuhugot na kabaitan at pasensya mo pero naiinis ako sa'yo.

4. Nung birthday mo, ang sabi ko ay sasamahan kita pero hindi ako nakapunta kasi napapagod ako sa duty. Hinintay mo ako sa restaurant ng halos apat na oras kaso di ako dumating. Pagkauwi ko kasi sa bahay nun, natulog lang agad ako. Nakalimutan kong birthday mo nga pala, pagkagising ko ng 11pm nabasa ko nalang ang text message mo na ""Sana nakauwi ka ng safe. Okay lang na di ka nakapunta. Alam kong pagod ka. Magpahinga ka po ng mabuti ha at kain na after magpahinga. Miss na miss na kita.""

5. Valentines day, pumunta ka sa bahay kaso meron ako at tinatamad ako lumabas at ayaw ko makipagdate sayo. Ikaw palagi ang nag-aadjust sa mood ko. May dala kang foods, tapos may gift ka sakin na giant teddy bear color violet na may puso at chocolates. Saglit ka lang sa bahay non kasi di naman kita gaano inentertain, Nanunuod ako movie habang ikaw inaasikaso ka ni mama at kinakausap ka. Ngumiti ka pa rin sakin kahit paalis ka na. Napakapasensyoso mo talagang tao. Sinabi sakin ni mama na hindi dapat kita ginaganoon kahit na sobrang bait mo kasi nagpakapagod ka para sakin tapos di ko iaappreciate mga ginawa mo.

6. Di ko na mabilang kung ilang beses na kita nireject at ipinahiya pero nandiyan ka pa rin para sakin. Di mo ko iniwan kahit na sobrang sakit na ng mga ginawa ko sayo. Nireject kita sa mismong araw ng birthday ko nung nalasing ako at pinamuka ko sa'yo na di kita gusto kasi ang weird mo. Ang weird mong Engineer ka. May sarili kang mundo, ang tahimik mo kasi di ko alam kung anong tumatakbo sa isipan mo. Magkainuman kayo nila papa at kuya noon kahit di ka naman talaga sanay uminom. Lumapit ako sa'yo at bigla ka pinapauwi kasi gusto ko lang. At sinabi kong wag na wag mo na ko kukulitin bilang regalo sa birthday ko.

Marami akong ginawang napakasamang bagay sayo. Talagang kulang ang espasyo dito para sa mga sasabihin ko.
Nagpapasalamat ako kasi pinaramdam mo sakin na sobrang espesyal ko para sa'yo. Ikaw lang ang kaisa-isang lalaki ng nagparamdam sakin ng ganito kaso sobrang tanga ko para di makita lahat ng pagsasakripisyo at pagmamahal na binigay mo para sakin.

Ang huling narinig ko na nagmula sa'yo ay ""Mag-iingat kang palagi ha. Lagi kitang pinagpepray. Aalis lang ako saglit. May magandang offer kasi sakin dito sa US. Mga tatlong taon siguro ako mawawala. Mag-iipon lang ako tapos pagkabalik ko liligawan kita ulit. Sorry kung makulit ako ha. Mahal na mahal kita Trisha""

Pero bakit ganon? Nung pagkarating mo sa US di ka na nagchat sa fb ko or nagtxt man lang? Nakakamiss din pala kapag di mo ako kinukulit.

Nabalitaan ko nakauwi ka na raw, kaso bakit ang bilis? Halos 1 year pa lang? Bakit? frown emoticon Bakit ka umuwi ng wala ng buhay Romer? Bakit ka nagsinungaling na magtatrabaho ka sa US pero ang totoo magpapagamot ka pala talaga kasi may leukemia ka. Bakit di ko napansin na nung nililigawan mo ako na maputla ka. Kaya pala madalas dumugo yung ilong mo na ang sabi mo allergy lang pero napakatanga ko, Medtech pa naman ako tapos naniwala ako sa'yo. Sa mga dahilan mo na simpleng ubo lang yun dulot ng nakalimutan mo uminom ng gamot sa allergy mo.

Miss na miss na kita Engr. Romer. Sana kaya kong ibalik yung mga panahon na inaalagaan at pinoprotekrahan mo pa ako. Aalagaan na rin kita promise. Gising ka na frown emoticon Natutulog ka lang diba? Ipagtanggol mo ko sa karibal mo kasi pinagsamantalahan niya ko. Ngayon ko lang narerealize lahat ng ginawa mo sakin noon. Sinasabi mo na wala ka tiwala sakanya pero di ako nakinig sayo tapos sinabihan pa kita ng ""baliw, paranoid, siraulo"" kasi napakakulit at over protective mo.

Gumising ka na please frown emoticon Aalagaan na kita. Susundin ko na lahat ng sinasabi mo sakin noon. Patawarin mo ako Romer. Sana panaginip lang lahat ng nangyayari na ito. Sana maibalik ko pa ang lahat sa dati. ;(

Ang weird mo pa rin hanggang sa huling sandali ng buhay mo Romer frown emoticonnapaka-weird mo, ang tahimik mo. Dahil ba sobrang nasasaktan ka na kaya mas pinili mong manahimik nalang?

Nakakainis ka frown emoticon Miss na miss na kita. Wala man lang pala tayong picture na tayong dalawa lang kasi ayaw ko noon. Gabi-gabi akong umiiyak ngayon dahil sa mga ginawa ko. Salamat kasi sabi ng mama mo hanggang sa bawian ka ng hininga mo pangalan ko pa rin ang tinatawag mo. Bakit? Bakit ngayon ko lang narealize na mahal na pala kita kung kailan wala ka na. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal din kita.

Babaeng nabagok ang ulo
2009
College of Medical Technology


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon