Seatmate

18.9K 417 14
                                    

SA BUONG STAY KO SA UST

ISA LANG YUNG KATABI KO.

NA INLOVE TULOY AKO SAKANYA.

Bawat hingi niya ng papel nakakakilig, bawat kopya niya ng homework nakakainlove. Ang hirap mainlove sa katabi mo lalo na kung naging close na kayo.

Nung naging close kami tsaka ko siya nakilala lalo. Lahat ng beliefs niya. Yuong faith niya kay God. Yuong pagiging family oriented niya. Lahat nalaman ko. Lahat yun naging dahilan kung bakit napaibig ako lalo.

Cliche kami. Nagkaroon ng pag aminan habang Paskuhan. Naging kami habang nasa lover's lane. Sa graduation humingi siya ng 2 years sa akin. 2 years para hanapin yuong sarili niya. 2 years para kilalanin yuong sarili niya para maging mas mabuti siya para sa akin. Masakit pero binigay ko yung 2 years na hinihingi niya.

1 year and 7 months makalipas ng graduation, may sarili na akong buhay. May magandang trabaho, may mabuting kinabukasan para sa sarili ko. Bumalik siya sa akin. Doon niya pinakita sa akin ang ipinundar niya sa loob ng oras na hiningi niya. May sarili na siyang bahay at kotse. May negosyo na at kung tutuusin, secured na siya sa buhay niya. Ginawa niya pala yuon para sa kinabukasan namin. Humingi siya ng oras para makahanda siya sa future namin. 2 months after ng Paskuhan sa taon na yun, nagpakasal kami sa Santisimo Rosario.

Madami kaming blessings, pinaghandaan niya talaga ang kinabukasan namin. Iniisip niya kasi na kailangan niya akong buhayin sa kinasanayan kong pamumuhay. Kasi galing ako sa well off na pamilya. Nakakahiya daw kaso kung wala siyang mapapakain sa amin ng mga magiging anak namin.

Napaghandaan niya ang lahat maliban sa isang bagay. Nung May na bunggo siya ng jeep ng driver na nagmamaneho ng lasing. Total wreck ang nangyari. Wasak na wasak talaga lahat sa point na hindi na nila pinaview ang remains niya.

Naisipan ko lang alalahanin siya kasi malapit na ang due date ko sa panganay namin. Nakakalungkot man isipin na lalaki ang anak ko na walang tatay, alam ko naman na may anghel na nagbabantay at naghahanda para sa pagdating niya.

Sa seat mate ko, alam kong binabantayan mo kami. I cannot express how much I miss you. Bakit mo ako sinanay na andito ka sa tabi ko? Mula first period ng first sem hanggang graduation magkasama tayo. Nag build tayo ng future natin na di natin na isip na ang future na to ay possibleng future ng isa lang sa atin. It hurts me so much that you are gone. Excited na ako mameet ang anak natin. I'm sure magmamana siya sayo.

You were my seat mate but we both know you are more than that. You copied my notes, you took all my food, but you also showed me life. Paano kaya kung hindi ikaw ang naging seat mate ko? Ano na kaya ang buhay ko? Pero i would never trade everything with you just to know how life would have been. But I would trade anything to be with my seat mate in life again. I miss you so much.

Mo Tzu
2006
Faculty of Philosophy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon