Ralph and Hazel Grace Part 2

18.2K 668 91
                                    

Goodbye, My Hazel Grace

I'm Ralph, yung Ralph niya. I'm not a fan of the UST Files but one of my former blockmates read her post and he immediately forwarded me the link. Honestly, hindi ko alam yung gagawin ko nun. Kahit na di ko alam kung gusto pa din ako ng mom niya or hindi, pero I tried to message her on facebook to ask if I could visit Nicki. She said na ayaw ni Nicki na malaman ko, pero nalaman ko na eh, so she had no choice but to tell me their new address. After that, pumunta na ako kaagad. May 28, 10:30pm, sa pagkakaalala ko. Nakita ko na yung bahay around 1pm. Madilim, pero may isang room na may nakabukas na lampshade. Alam kong siya yun because she cannot sleep without her lampshade on. I sneaked inside, and kinatok ko yung window niya. Nagulat siya 'cause at first akala niya magnanakaw, but later on, narealize niya na ako yun, and then binaba niya yung curtains. What I did was, kumatok na ako sa gate, mom niya yung nagbukas and I told her that I really really need to talk to her daughter. Wala nang magandang time. Kapos na sa oras. I then went to her room and locked the door.

"Ayokong nakikita mo akong ganito, Ralph"she whispered. She's still beautiful, but she's so pale, so weak. Naiyak na ako, sobra. "Ba't mo tinago sakin? Tangina naman Nicki!". Pero she smiled and said "Galit ka nanaman. Pag nagagalit ka, nagwawalk-out ka sakin diba? Now's the right time. Sige na Ralph."

"Hindi ako aalis. Dito lang ako."

"Ralph, wala ka bang girlfriend? Sa pagkakaalam ko kasi meron na. Wala na ba kayo?"

"Iniwan mo ako na walang dahilan. Nawala ka nalang bigla. Pagkatapos nating gumraduate hindi ko alam kung san ka na napadpad. You blocked me sa facebook, later on nagdeactivate ka na. Lumipat kayo ng bahay, hindi na kita macontact sa phone. Pilit kitang kinalimutan kasi sobrang nasaktan ako. Sabi ng mga tao na magmove on na daw. Pero kahit sumubok ako na humanap ng iba, wala Nicki. Miserable padin ako. Nagkandaleche leche yung buhay ko, Nicki!"

"Sorry, Ralph. Di ko sinasadya"

Umiiyak siya. Umiiyak din ako. Hindi ko alam gagawin ko, nanginginig ako..sa galit, sa lungkot, pero niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

""Hindi na ako magtatagal, Ralph. Alam ko na yun""

"Hindi ako aalis sa tabi mo. Dito lang ako. Promise,"

"Sorry Ralph, hindi ko mappromise na makakatagal pa ako"

I went to her bed, tinabihan ko siya at kinantahan ko siya hanggang sa makatulog siya. Buong gabi akong di natulog, I always check on her, at sa bawat hinga niya nagpapasalamat ako dahil alam kong kasama ko parin siya.

Gumawa kami ng bucketlist ng mga gusto niyang gawin:

1. Kumain ng korean ice cream
2. Gumawa ng loombands
3. Bumisita sa ust
4. Manood ng tfios
5. Magmovie marathon sa room niya
6. Magbake ng cake together

May 30, nagawa namin yung #1. May 31, yung loombands na umabot hanggang June 2 kasi natuwa siya. June 3, we visited ust. June 6, we watched tfios, June 7, I went to their house and we watched 50 first dates, Clueless and Got to Believe (yung kay Rico Yan) and then in the middle of Got to Believe, she said, ""Babe, sleep lang ako. Paggising ko, bake tayo ha. So I waited..and waited and waited na magising siya.

Pero hindi na siya nagising.

Gusto kong magwala, sumigaw pero hindi niya ikakabuhay yun eh. Pero at last, hindi na siya nahihirapan. Hindi na siya nasasaktan. Nakakahinga na siya ng maayos. Wala na siyang sakit.

Bumalik ako sakanila para ayusin yung room niya nung dinala siya sa hospital. I went to the kitchen to drink water. Meron sa cupboard na box ng flour..may post-it note and nakalagay,

"I love you forever. My last days would probably be the best, kasi kasama kita. -N"

Ralph
2006
Faculty of Engineering

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon