Process of Moving On

2.2K 13 1
                                    

I just want to share what happened to my "Almost-Relationship"

I hope mapost to admin! Thankyou smile emoticon Sana walang negative comments kasi I just want to share what happened and what I feel smile emoticon

I was 3rd year highschool when i met this "Badboy, Tamad, Siga" guy at School. New student ako nung time na yon, until dumaan ang ilang months bago ko sila nakilala. Yes, sila. Yung tinatawag kong "Barkada" Siguro lahat naman tayo diba may barkada? Hahaha. 4th year highschool siya non and isa siya sa tinuturing kong Barkado. Naghahangout kami every friday like Shot, Tambay etc. Never ko inexpect na magkakagusto siya sa kagaya ko. =)))

Prom Night nung time na umamin siya na may gusto siya saken. Di ko alam sasabihin ko.. Nakakashock.. Nakakaspeechless.. Hinayaan ko lang siya. Ang sama ko ba? frown emoticon Pero after non, pinatunayan niya saken na seryoso siya. Almost everyday magkasama kami, hinahatid ako sa house and nagpakilala sa parents ko. Haha, after 2 months nagkagusto din ako sakanya. Sino ba naman hindi maffall sa lalaking pogi, matangkad, sobrang sweet at caring? Hindi ko siya nagustuhan dahil sa looks niya ah? It just happened. That time, ayoko pa ng commitment so parang MU lang kami nung time na yon. HAHAHAH hanggang sa tumatagal nagiging deep na ung feelings namin sa isa't isa pero lumalala din ung relationship namin.

I mean, sobrang seloso na niya. May kasabay lang ako bumaba na lalaking friend namin, nagagalit siya. Siya yung tipong lalaki na sobrang seloso at sobrang mahirap amuhin. Siya yung lalaki na gusto niya sakanya lang umiikot mundo mo, bawal kausapin si gan'to at ganyan. Ang hirap, pero kinakaya ko. And almost everyday na kami nag aaway dahil sa iisang bagay. Paulit ulit, araw araw iisa ang dahilan. SELOS. Pero syempre, iniintindi ko kasi mahal ko. Minsan kelangan din natin magpakatanga para sa taong mahal natin. HAHAHAHA. Sabi ng iba namin friends, nabago ko siya. Siguro, oo. Pero choice niya padin naman kasi yun =)))

One time, nangyari ung sobrang ayaw namin dalawa, sobrang nakakasakit na words na yung sinabi niya saken. As a girl, sobrang mabilis ako masaktan. Hindi ko kinaya, ang dami niyang bagay na pinamukha saken na sobrang hindi ko nagustuhan. Sa sobrang sakit, hindi ko siya kinausap for a day. Pero he keep on texting me na he's sorry daw sa mga sinabi niya and di niya na uulitin. Syempre ako 'to si tanga.. pinatawag edi back to normal na ulit. smile emoticon Pero after a day, wala... Ganon padin nangyari same reason kung bakit kami nag aaway. Di ko alam bakit nawawalan siya ng tiwala saken na tipong madalas kami magkasama and nasakanya lang naman phone ko 😅 Hehe.

Sobrang di ko na alam gagawin ko.. Tinanong ko na friends ko kung ano dapat kong gawin ang sinasabe lang nila saken "Alam mo, ang tanga mo. Alam mo naman na ganyan ugali niya at paulit ulit pero nag sstay ka padin" Ano bang magagawa ko.. mahal ko e frown emoticon Pero talagang hindi ko na kinaya.. naisip ko lahat ng bagay na pwede kong magawa.. na possible kong maabot.. napipigil dahil sakanya.

Narealize ko na siguro kelangan ko naman ng time para sa sarili ko, time para maisip ko kung ano mali ko at syempre mali ko din. Sinabi ko sakanya, humingi ako ng time at space. Pero syempre, nagalit siya. Ineexpect ko naman yon. Sinabihan niya ulet ako ng mga salita na sobrang tagos sa puso. "Pinagsisisihan kong minahal kita. Sabihin mo lang kung may iba ka na, di yung ganyan ka. Sana hindi nalang kita nakilala" and madami pang iba. Lahat ng yan, tinanggap ko. Inintindi ko siya kahit nasasaktan din ako. Gabi gabi umiiyak ako, kasi hindi porket ginawa ko yon di na ako nasasaktan.. di ibig sabihin non hindi ko na siya mahal.

After non, alam ko at nababasa ko sobra ko siyang nasaktan. Kulang nalang isumpa niya na ako at siya mismong pumatay sakin. Wala na kaming communication pagkatapos ko humingi ng time para sa sarili ko. Ginawa ko yon para malaman niya kung ano din mga mali niya. Hindi ko alam kung bakit pero nasakal ako sakanya. Nasanay ako sa lifestyle ko na may freedom ako. Pero sakanya, simpleng bagay na gusto kong gawin, pinagbabawalan pa. Hayy

To make the story short, after 2 months ((June na ne'to)) nagkita ulit kami.. Nagusap, sinabi niya saken na mahal padin niya ako.. Pinrove niya, binalikan ko. Tanga ba ko? frown emoticon kahit sobrang against na ung parents ko sakanya.. Binalikan ko kasi mahal ko. Binalikan ko kasi akala ko okay na lahat. Pero mali padin ako, ganon padin.. Malate lang ako ng reply ng 1 minute, nagagalit na siya. Sasabihin niya pa saken na "Ano? Ba't hindi ka magrereply? May iba ka na? Bakit mo pa ko binalikan" Masakit. Sobra. Tipong taong mahal mo, pinagdududahan ka. Di ko kinaya, sinabi ko na talaga sakanya na ayoko na. Sobrang nasasaktan na ako. frown emoticon Inexplain ko sakanya lahat.. lahat ng reason kung bakit ko 'to ginagawa.. Pero hindi niya naiintindihan.. Kinalat niya sa iba na niloko ko siya, na pinaglaruan. Pero hindi ako nagalit sakanya, inintindi ko siya ng sobra sobra. Kasi, sinaktan ko siya. Wala akong karapatan magreklamo na nasasaktan din ako. Nilakasan ko loob ko para i-let go siya kasi nung time na yun, ayan lang ung choice para maging masaya na ako.

Minsan talaga, kahit pa kasama natin ung taong mahal natin hindi tayo magiging masaya, hindi natin makukuha ung mga bagay na gusto natin kasi taong mahal na natin yung humahadlang. Kahit ba mahal natin sila, minsan ang only choice nalang talaga ung i-let go sila para maging happy na tayo. smile emoticon

To my almost boyfie,

sana mabasa mo 'to. smile emoticon Hi, i'm sorry for everything. Sorry for hurting you. Sorry kasi sabi mo saken i fixed you pero i'm the one who broke you again. Sorry hindi ko intention na saktan ka. smile emoticon I hope you'll be happy with your new girl. smile emoticon Godbless you always!

Sana naintindihan niyo story ko. =))) Wag tayo mag hold on sa mga bagay na kelangan na talagang i-let go. Kasi wala talagang forever. Haha, Godbless you all! smile emoticon

Ms. Matapang

2015

High School


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon