Pink bag

5.3K 60 0
                                    

"Babe kanina sabay tayo umuwi nagulat ako di mo dala yung sasakyan mo na napaka unusual.Kinuha mo yung bag ko kasi sabi mo baka nabibigatan ako. Ang sabi mo pupunta tayo ng hepa lane. Nakapila ako at bumibili ng bbq tumalikod ako pero wala ka na.Tumingin ako sa paligid at nakita kita pasakay ka na ng kotse mo. Sinubukan kong habulin yung sasakyan mo pero mabilis mong pinaharurot. Hindi ko alam anong gagawin ko dahil wala akong phone at pera. Mabuti nalang at nakita ko yung blockmate ko at nakitawag ako sakanya. Cinall ko yung kuya ko para sunduin ako. Pagkauwi ko ng bahay chineck ko agad yung fb ko at nagmessage siya saken. ""Babe di ko na kayang pigilan. It's not about sex pero i'm bisexual. Ibabalik ko yung gamit mo bukas sa bahay niyo."" hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak kasi 2 taon kang nagpanggap na lalaki. Kaya naman pala sobrang excited mo pag nasa bahay kuya ko. Lagi pa kayong naglalaro ng xbox o kaya just dance. Kaya pala gustong gusto mo nasa closet ko at binibihisan ako na parang manika.Yun pala pangarap mong maging fashion designer.

Mahal na mahal pa naman kita.

Sana ibalik mo na yung bag ko wala akong pera at phone paano ako papasok bukas.Alam ko namang type mo yung bag ko na pink pero kahit sana yung laman ng bag ko ibalik mo. 



taecyeon

2014

Faculty of Medicine and Surgery

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon