Ligaw

3.3K 52 3
                                    

Di ko jinajudge yung way ng mga lalaki pag may pinopormahan. I just want to give a girl's perspective para alam nyo din yung side namin.

Una sa lahat, hindi tinatanong ang panliligaw. Sabi nga sa Nike, just do it! Kaya lang, majority ng guys nagtatanong pa. Ewan ko din kung bakit pero nakaka-turn off yun. Big NO din yung pagtatanong if may chance ba. Mas turn off yan. Kasi napepressure ang babae. Consider her side.

Take note na kapag tinanong nyo yung girl if pwede ba sya ligawan or may chance ba, minsan mali yung timing ng mga lalaki. That time, pwedeng wala pa syang gusto sayo or nasa friend pa lang ang rank mo sa buhay nya hahaha. Kaya nga di mo sya tatanungin. You simply make her fall in love with you so hard para kapag tinanong mo na ang ""will you be my girlfriend?"" Sure yes yan!

Pagdating sa relationships, mas madaming pantasya ang babae. May Mr. Right pa ngang nalalaman yan eh. Kaya hindi nyo masisisi kung nahihirapan kami magdesisyon. Talagang natatagalan.

Alam kong mahirap manligaw, boys. Alam ko ding kayo yung madalas masaktan, lalo na kapag basted. Kaso ganon na eh. Ganon ang manligaw noon at ganon pa din ngayon.

Patience and loyalty are a man's greatest weapons. Make sure you'll be your girl's correct decision.

Niligawan
2015
Psych


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon