First kiss ko si Crush

14.5K 210 13
                                    

Nagkayayaan yung friends ko na uminom sa condo ko. 5 kami and since hindi naman ako ganong umiinom, silang apat lang yung umuubos nung black label at nung JD hahaha good girl kasi ako hihi 😇 ayun after several hours, lahat sila nakatulog na except kay crush. Hindi pa daw sya inaantok kahit na lasing na lasing na sya. Btw, he's from Engineering Kumuha ako ng baso at pinainom ko sya ng tubig and kumuha na din ako ng ice cream sa ref. edi ayun uminom na sya sa baso and kinuha yung spoon and kinain yung bigay ko na ice cream and natulog na sya.

Heto na, ako naman 'tong si gaga at nakaisip ng bright idea. Wala pa kasi akong first kiss, maski sa mga naging bf ko, hindi ako pumayag sa kiss. Basta ayoko muna! Eh nung time na yun crush na crush ko talaga si crush ko huhu, heto na kinuha ko yung baso at spoon na ginamit nya and..... Isinubo ko muna yung spoon and feel na feel ko talaga halos buong spoon yung ipinasok ko sa bibig ko huhu yung laway nya pls huhu shet heaven wtf then second yung baso naman! Haha hinanap ko talaga yung part kung san nya idinikit yung labi nya and success, uminom ako sa part ng baso kung san sya uminom hehehe :') ano ba yan 1st and 2nd kiss ko sya enebe hihihi potek hindi ko alam kung lasing na din ba ako nung time na yun kahit konti lang naman ininom ko. Basta pinupush ko talaga sa iba kong friends ko na 1st and 2ns kiss ko si crush.

Hindi ko to ikinwento sa kanila hahaha syempre dba nakakahiya din kahit papano lalo na kay crush hihihi

P.S naging kami ni crush for 1 yr and 5 months :') and yes! Sa kanya talaga ako pumayag na makipag kiss. Aarte pa ba ako?! Hahaha pero nagbreak din kami kasi nambabae ang gago! Pero still happy pa din ako kasi naging kami ng crush ko shet.

Ps again, balita ko single na ulit sya and single din ako atm hahaha soooo hahaha joke!! baka sa dinami dami ng babae, sa akin pa din ang bagsak nya hahaha! 

Nurse ng buhay mo 
2011 
College of Nursing

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon