"LOVE-LESS"

1.7K 5 0
                                    

Hello sana mapost mo to admin dahil gusto ko malaman kung ano ba talaga pwede kong gawin.

Chinat ko ex ko dahil nalaman kong nahold up siya sa gilid ng Robinsons Galleria, syempre kahit nde nag work yung relasyon nmin I still care pa din nman sakanya. Chinat ko siya kinamusta ko siya sabi niya okay lang daw siya.
Sakto kakagraduate ko lang nun at wala pa din akong trabaho, naalala ko sabi niya saken date nung kami pa na mag apply ako sa kanila (Call Center), kaya ayun sabi ko lakad niya ko sa work niya.

The day na nagtext saken yung company nila for interview, hindi ko pinalagpas yun at 1 day lang na hired nako. Sobrang saya ko nun kase ilang beses akong nagtry mag apply as teacher sa mga school pero ang bagal ng response kaya ito sa call center ako napunta which is thankful ako dahil ang babait ng staff ng company nmin.

Nung una masaya ko dahil ang ganda ng environment tapos ksama mo pa yung ex mo, pero nung nalaman ko na may gf pala siya which is hindi niya man lang sinabi sken dahil akala ko tlaga wala. Iniwasan ko na siya kahit masakit kase akala ko may sparks pa pero wala na pala.

Dumating yung time na magsi-seat in na kami sa mga agents to gain some tips, nag seat in ako sa isang agent pero ilang minutes nag break siya ng 1 hr so lumipat ako ng ibang agent hanggang kinausap ako ni Adrian.

Adrian: Parang familiar ka. Taga Valenzuela ka din ba?
Ako: Ako? Oo pero may bhay din kami sa Bulacan.
Adrian: Ah kaya pala. Kababata ko si Jomari ah (ex ko).
Ako: Ah ganun ba. Bat parang alam mo na magkakilala kami ni Jomari? May nakokwento ba siya sayo?
Adrian: Wala nman, sabi kase ng isang agent dyan madalas daw kayo sabay umuwi ni Jomari eh.
Ako: Ahhh oo sabay nga kami pero noon yun.

Iniba ko na usapan kase ayoko na pag usapan yung ex ko.
Si Adrian magkaiba sila ni Jomari, sobrang bait ni Adrian mas lamang ng konting paligo mas okay pumorma Hahaha which is yun yung part na nagustuhan ko sakanya.
Inadd ko sa fb si Adrian hanggang ilang beses na kami nagkakachat hanggang sa nafall nako.
Kala ko may chance yun pala ewan lang cry emoticon

Magkakuntyaba kami ng katrabaho ko na kaclose ni Adrian. Alam niya na type ko si Adrian kaya ayun nilalakad niya ko.

Workmate: may sasabihin ako sayo

Adrian: ano yun?

Workmate: wag mo sabihin kay crizsa ha? Crush ka kasi niya haha

Adrian: *no comment*

Workmate: ano masasabi mo?

Adrian: wala.ok lang

Workmate: hindi mo siya crush? Baliw ka

Adrian: hindi

Workmate: bakit naman? Nge

Adrian: ewan ko, siguro dahil ex siya ng kaibigan ko

Workmate: e pano kung hindi siya ex ng friend mo?

Adrian: ewan, hindi e.

Sabi ko kung nde ako gusto ni Adrian okay lang sken yun. Pero nung nalaman ko na nde niya pala ko gusto nasaktan ako, umiyak ako kse umasa ako.
The day na nalaman ko yun chinat ako ni Adrian kung nag duty off daw ba ako, sabi ko "Bakit" sagot niya "Ayaw muba ng pera? Hahaha" sagot ko "K" at sagot niya "Luuuuhh".
Ayun chinat niya yung kaworkmate ko na galit daw ako sakanya. Dahil sinabi daw ng kaworkmate ko yung sinabi ni Adrian which is alam ko naman na talaga.

Nag emo na naman ako, emotional talaga ko pagdating sa love. Matapang akong babae pero mahina ko sa pag ibig.
Ngayon gusto ni Adrian na makausap ako in person para magsorry, Ata?
Pero ayoko na, ayoko na siyang makita at makausap.
Dalawa na silang iniiwasan ko sa office.
Ang saket umasa sa taong akala mo may pag asa.

Ps: Sorry kung mahaba, sana may comment akong mabasa na mapupulutan ko ng aral. Salamat sa mga makakaintindi.

Hopia Mani Popcorn
College of Education
Major in Mapeh


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon