Lee Min Hopia

13.5K 236 30
                                    

2nd year college, naging magkablock tayo. Transferee ka from state U. Alphabetical ang arrangement kaya tabi tayo. Medyo cute ka, okay, type kita. Maputi na medyo may pagkachinito. Tahimik ka lang. Pero di ako sanay kasi na di nagsasalita pag may bagong katabi, ako ata si Ms. Friendly! Haha kaya dinaldal kita. Tinanong kita kung san school ka galing, bat ka lumipat, etc. After nun, tinanong mo kung may kasabay ba ko magbreak, sabi ko wala, absent kasi yung pasaway kong bff, first day palang naman daw kasi at wala pang gagawin, kaya sabi ko sige sabay tayo kumain. Kumain tayo ng lunch sa Mang Tootz. Kwento kwento, sabi mo nakadorm ka. First time mo mahiwalay sa parents mo ganun. Ako naman, medyo nakakaramdam ng parang kilig na omg baka may patunguhang romantic ang namumuo nating friendship! Chosera lang! Kaya naglakas loob ako itanong kung may jowa ka ba. At sabi mo, wala. Boom! May chance ako! Sabi ko sa utak ko. Tanong ulit kita kung bakit, pero nagkajowa ka na? Sabi mo, dati nung grade school at first year hs. Pinagtawanan pa nga kita! Binalik mo sakin ang tanong. Sabi ko naman, nung hs lang din, puppy love. Pero ang totoo, nagkabf ako na blockmate nung first year. Syempre nahiya ako ishare pero eventually nalaman mo din dahil nga naging close tayo.

Shet, buong first sem lagi tayo magkasama, pero me kasama tayong asungot, si bff. Tinutukso nga nya ko sayo pero di mo alam. At pinagkakalat pa sa iba nating kaklase na sweet daw tayo. Eh hindi naman! Pero minsan cute ka, kapag pinapauna mo ko pag papasok ng room, or ibibili ng tubig, laging plus 1 mo ko ganun. Medyo nagseselos na nga si bff! Pero boto daw sya sayo. Wagi daw ako. Feel ko din yun. Pero syempre, bawal mag assume. Hanggang sa nararamdaman mo na din ang pang aasar satin ng mga kaklase natin. Pero wala kang reaction. Tawa tawa ka lang, napaka plain mong tao. Pero masayahin ka. Ang cool mo, ang talino mo pa. Pero nung mga panahon na yun, parang happy crush palang kita.

Second sem na. Ganun padin ang set up. Tatlo padin tayo ni bff. Pero etong si bff, lumove life. Kaya dumalang din na pagsama nya satin. Naimbyerna siguro sya 3rd wheel kasi natin! Chosera ulit =))) medyo humaba buhok mo, muka tuloy kpop. Pero ang cute mo. Second sem din ng natuklasan kong mahilig ka pala sumayaw. At grabe, ang galing mo humataw. Sinamahan kita noon sa audition ng dance troupe ng college, ang galing mo. Ako ang number 1 faney mo talaga. At bilang di ko mapigilang umassume, medyo umaacting ako na stage girlfriend paminsan. Haha. Kasi naman trophyng trophy ka pag kasama kita eh. Kinaganda ko talagang kaibigan mo ko. Fast forward, may mga practice ka na, sumasama padin ako, pinapanuod kita, pati sa competition mo syempre, full support ang friends natin. Di man kayo nanalo, pero still, proud padin ako sayo.

Fast forward ulit, tapos na ang sophomore year! Summer na. Di tayo madalas nagkita. Pero madalas tayo magkatext, kinukwentuhan kasi kita tungkol sa ex kong blockmate natin. Ikaw din kasi nagpakwento ka tungkol dun. Kaya yun, shinare ko. Akala ko magseselos ka. Pero... Parang... Parang di ka din naman affected. Pero sinasabi mo na sinayang nya ko, mabait pa naman ako ganyan. Lol. Kilig ako nun. Kung pede lang sabihin na, bakit di nalang tayo. Haha. Tutal madami naman may gusto oh =)) hanggang sa ayun, pasukan na ulit. Tayong 2 nanaman ang buddy buddy. At ito lalo tayong naging close. Lumipat ka ng dorm na mas malapit sa building natin, kaya tuwing free time, dun tayo nagtatambay. Nood movies, kain, ganun. Aaminin ko, nag aantay ako ng bad boy move mo, na susunggaban mo ko bigla. Haha. Pero wala eh. Ang bait mo lang. Isa yun sa inadmire ko talaga sayo. Tipo ko kasi talaga yung ""maginoo pero medyo bastos"". Bastos ka naman minsan! Pero di mo inaapply sakin. Ehh, dahil nga nagkakafeelings na ko sayo, medyo tinatamaan na ko, parang lumalandi yung kaluluwa ko na gusto ko magpakita ng sweetness sayo. Kaso eeh, wag nalang. Baka awkward. Pero seryoso, grabe naiinlove na talaga ko sayo nun. Akala nga ng iba magjowa tayo. Tapos pinag iisipan pa ko ni bff na nagsesex daw tayo pag free time. Eh kung alam lang nya, gusto ko naman, chos!

Paskuhan, kasama natin blockmates natin sa field. May mga dala tayong banig, etc. nakakatawa sobrang ready natin. Ang saya. Ang magical pa ng fireworks kasi nakahawak ka sa balikat ko habang pinapanood. Pero putek hindi mo naman ako tinitingnan. Nag eexpect kaya ako nung time na yun na bubulong ka bigla na ""i love you"" hahaha ang kapal ko talaga. Pero ok lang kahit wala kang binulong, fineel ko nalang yung moment. After paskuhan, nagbar tayo kasama friends natin. Pero di mo trip. Di ka din masyado uminom. Kaya sabi natin, una na tayo. Bumalik tayo ust. As usual inasar nanaman tayo, magmomotmot daw tayo! Haha. Pero bumalik tayo ust, sabi mo simbang gabi nalang tayo. Ako naman edi go, kahit san mo gusto hihi. Naupo tayo sa may fountain, actually, napahiga na nga tayo sa damo. Napabuntong hinga nalang tayo sa pagod, sakit sa paa. Tapos ang tahimik. Awkward silence ba. Tapos bigla ka nagsalita. ""May sasabihin ako sayo.""

OMG. Yung puso ko talaga nitong moment na to. (Alam mo yan) hahaha. Kung ano ano tumakbo sa isip ko sa pagitan ng 10sec na interval bago ko sumagot ng ""ano?"". Ang dami ko na naisip na sinabi mo sa loob ng 10sec na ""kasi, gusto kita"" ""pede ba ko manligaw"" ""matagal na ko me nararamdaman sayo"" hahaha certified assumerang frog! So yun nga sabi ko, ""ano yun?""

Ang tagal mo sumalita! Natetense na ko. Di tayo nakatingin sa isat isa. Pero kinulit kita. Sabi ko ""uy ano ba yun?"". Bumangon ka sa pagkakahiga mo, tapos sabi mo, ""di ako straight.""

Di ko agad sya naabsorb. Ha. Ano. Sabi ko ""bakla ka? Wait. Ano? Lasing ka ba. Gago."" Nagpapanic ako nun. Malamang! Tinapay ka na naging bato pa. Haha. Tapos bumangon din ako. Kinwento mo sakin. Nagka girlfriend ka noon, puppy love. Pero nung nag aral ka sa UP, nainlove ka sa kapwa mo guy. At naglie ka lang about sa reason kung bakit ka nagtransfer. Sabi mo samin family problem, di mo namaintain grades mo, pero yun pala, dahil nalaman mong ginamit ka lang nung bf mo. Hay, so sad. Sad na ginamit ka ng ex mo, at lalong sad na di mo pala talaga ako gusto. Haha! Shet. Nakakaloka ka girl. After mo magconfess, nagsimba tayo at kumain ng pancake sa mcdo. Normal padin naman. Discreet type ka kasi. Di din kita tinutukso. Para naman mafeel mo na walang magbabago satin. Na tanggap kita at di kita jinudge. Matouch ka ha! Haha. Kaso ayun, iniwan mo din ako. Nasa Korea ka na ngayon. Pasayaw sayaw ka nalang jan. Kpop ka talaga. Haha. Ewan ko kung mababasa mo to? Haha! Kung mabasa mo man, alam ko matatawa ka! At maiinis? Haha. Alam mo naman lahat ng ito, pero umaasa kasi ako na baka pag nabasa mo marefresh utak mo na may babaeng inlove sayo tapos magising ka na sa natutulog na pagmamahal mo din sakin! Choseraaaa! Kainis ka! Good luck sa dancing career mo jan, uwian mo ko ng lee min ho. Ay, kauri mo din yun eh. Mga leche! Haha!

NaRustom padilla
2011 
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon