Girl Iyakin

47.4K 762 42
                                    

Less than a year pa lang ako sa UST. 1st year pa lang kasi ako e. Hehe. Pero napatunayan ko na sobrang daming napakabuting tao sa UST. 

Eto po story ko.
Nangyari to nung Nov. 22, 2013. I was alone sa Mcdo, I was crying while eating. Medyo nahihiya na nga ako kasi magisa lang ako tapos umiiyak ako. Pero wala akong paki, sobrang lungkot ko kasi yung bestfriend ko nagtapat sakin na may gusto siya sa bf ko and may nangyari na daw sakanila. So ayun na nga. Umiiyak ako habang kumakain ng cheeseburger. Siguro mga 15 minutes na ko ng nakaupo pero di ko napapansin yung paligid ko. Tapos may lumapit saking lalaki, inabutan niya ko ng panyo tapos sabi niya, "Alam mo ang ganda mo. Pero dahil iyak ka ng iyak, namumugto ang mata mo at namumula yung ilong mo. Sige ka papangit ka. Smile ka na. Tandaan mo, God always gives us happy endings, if it's not happy, it's not yet the end." I was shocked pero nagsmile ako sakanya and nag thank you and akala ko umalis na siya. Tas mga ilang minutes lang bumalik siya may dala siyang sundae tapos sabi niya sakin, "I assumed na comfort food mo ang ice cream. Sana mabawasan lungkot mo. Bye." Tas tumakbo na siya palabas.
2nd year ECE siya kasi lagi ko siya nakikita kasama yung kapitbahay namen na ECE din e. Nahihiya naman ako magtanong dun kasi masungit yung lalaking yun. Hehe. Kaya kuya kung nababasa mo to, maraming salamat. You have no idea kung gano gumaan ang loob ko. Sana magkakilala tayo. 

Yung itsura nun ni kuya, matangkad na moreno na maganda katawan and gwapo siya. Hawig siya ni Alden Richards. Hihi.

- Girl Iyakin 

 2013
FACULTY OF ENGINEERING,

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon