Luh' Zoned

11.7K 241 19
                                    

Umiinom kami ng mga barkada ko, tapos nung may tama na 'ko dahil ang dami din namin nainom. Nag decide na kaming umuwi. Mga 3am na din yun. Nung nakahiga na ko, bigla na lang pumasok sa isip ko na itext yung EX ko, matagal na din kaming wala. At dahil nga may tama na ko hindi man lang ako nag dalawang isip itext sya. ""Hoy, alam mo bang mahal na mahal pa din kita? "" Hindi ko na nahintay yung reply, nakatulog na ko.

Kinabukasan.. May hang over pa ko, tas bigla kong naalala na tinext ko nga pala yung ex ko. Napa "t*****a ko ang gago ko bat ko tinext yon ano pumasok sa isip ko pucha" na lang ako. Dahan dahan kong tinignan yung cp ko. 1 message received.

Boom! Nag reply sya. Kabado pa ko habang pinindot ko yung "open". Pag tingin ko sa reply nya...

"Luh?"

P*******a, reply ba yan?! AKALA MO KUNG SINO KANG GWAPO. MANLOLOKO KA NAMAN. BUTI NGA KAHIT NILOKO MO LANG AKO MAHAL PA DIN KITA. MATATAUHAN DIN AKO. G*GO. DUMAMI PA SNA TIGYAWAT MO!!!!!!!!!!!"

Textpamore 
2013 
Conservatory of Music

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon