Jacket

16.7K 487 39
                                    

Isang sobrang nakakahassle at nakakaiyak na umaga ang sumalubong sakin nung araw na yon. Tinanghali ako ng gising, trapik sa Espanya, at higit sa lahat... unang araw ng buwanang dalaw ko. Ang lupet ko pa naman mag-dysmenorrhea. Na-late na ako ng 30 mins. sa first class ko kaya hindi na ako nagmamadali nung pagbaba ko ng Uste.

Sa may lover's lane ako dumaan para medyo marelax ako. Kaya lang, medyo marami ding taong dumadaan dun noon kaya parang hindi nabawasan yung stress ko. Maya-maya lang, may biglang lumapit sa likod ko. As in sobrang lapit niya. Walang private space kung baga. Nagsalita siya at sinabi niya agad na.... "Ate, may tagos ka."

Grabe! Grabe talaga yun. Lalaki yung boses. Lumingon ako at grabe guys. Boses pala ng gwapong taga-eng! Nakakahiyaaaaa. Natigilan lang ako at di ko alam ang gagawin. Puti kaya yung uniform ko at hindi naman ako nagdadala ng extra palda. Patay. Deads. Tiningnan ko at mga friends, hindi pwedeng hindi mapansin.

Tinanggal niya yung jacket niya. Binigay niya sakin. Sabi niya "Ibalik mo nalang sakin bukas. Mukhang mas kailangan mo." Grabeeeee ambait niya pramis. Tinanong ko kung pano kami magkikita, binigay niya yung number at pangalan niya sakin! :> at ayon siyempre thank you ako ng thank you at ngiti siya ng ngiti!!!!! 

Kinabukasan nagkita kami ulit sa may lover's lane. Binalik ko yung jacket na nilaban ko overnight lang (thank you sa dryer). Ayon. Yun lang hahahahaha hindi joke. Kami na ngayon 
Weeeeeeeeee


Sinagip ni Back Friend
2010
College of Science

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon