OS192: UNTITLED

7 0 0
                                    

Patulog na ako nang may nabasa akong isang kuwento na nakapatulo ng aking luha. Agad ko namang pinahid iyon nang biglang pumasok si mama sa kwarto ko.

"Tulog ka na" aniya. Tumango naman ako at inicharge na yung cellphone ko. Nang makahiga na ako sa kama ay isinara naman ni mama ang pinto. Napatitig naman ako sa kisame at napabuntonghinga.

Naalala ko yung scene sa kuwento kung saan nagpaalam ang kaniyang jowa na umalis na at hindi na ito bumalik dahil may iba na.

Nasasaktan ako lalo na nong maalala ko ang araw na iniwan kami ni papa, hindi dahil may iba na siya kundi dahil isinakripisyo niya ang buhay niya at inako lahat ng kasalanang ginawa ng aking kapatid na ngayon ay matagal ng patay na. Ang pagnanakaw, ang pagpatay, at ang pagdodroga ay ang mga kasalanang nagawa ng aking kapatid.

Kahit na patay na ang kapatid ko, gumagawa parin ng paraan ang pamilya ng mga biktima na siraan yung pamilya namin.

Walang kasalanan si papa pero dahil mahal na mahal niya kami at dahil ahaw na njyang may madadamay sa pamilya namin, nagvolunteer siya na siya nalang ang ikukulong para sa kasalanang nagawa ng kapatid ko.

"Babalik ako, pangako iyan" aniya at ngumiti bago siya nakulong ng tuluyan.

Bumalik nga siya sa aming bahay ngunit saktong pagkahakbang niya sa paanan ng aming bahay, may biglang bumaril sa kaniya.

He smiled and closed his eyes.

Ipinikit ko rin ang mga mata ko upang matulog na habang patuloy parin sa pag-agos ang luha.

Today is his 2nd death anniversary and hindi ko parin matanggap na wala na siya.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now