OS80: CAN YOU SING A SONG FOR ME?

5 1 0
                                    

CAN YOU SING A SONG FOR ME?

December, 2013

Binigyan kami ng tig-sang papel na guro na sabi niya ay may nakasulat daw na musical style don at nagsisilbing section namin.

There are 4 sections, Rhythm and Blues, jazz, Rock 'N Roll, and Blues

Rhythm and Blues, alright.

Bago kami papasok sa room ay may kantahan muna na magaganap. I don't really know how to sing, I only know how to play guitar. Baka hindi talaga para sa akin ang pagkakanta. Ang unfair, ang mama ko ang ganda ng boses si papa din naman.

Hindi ako kumanta sa halip ay nagtugtog ako ng gitara.

"Mahusay, anong pangalan mo?" tanong ng music teacher namin, I'm in Grade 10 and I'm in a Musical University.

"Rhianna Martinez" I said. Tumango ang guro at pinapasok na ako sa room, this is what a Musical University looks like. Musical notes are everywhere. Sa gate ay isang napakalaking gitara na nakatayo and may napakagandang design.

"Hey kiddo, can I borrow your guitar?" napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaki. Ako ba ang tinutukoy niya?

"Excuse me?" sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at napailing lang, Umalis siya ng walang salita. Oh bakit biglaan nalang yung pag-alis? Well, wala na ako don. Umupo na ako sa isang upuan na hugis half note. Hindi ako komportable ngunit masanay nalang ako.

"Excuse me, can I sit beside you?" sabi ng isang lalaki. Halatang mayaman, tumango lang ako at hindi na siya pinansin pa. Nakita ko ulit yung manghiram sana ng gitara, nakatitig siya sakin. Tinitigan ko naman siya pabalik kaya napaiwas siya. What is wrong with him?

"I think that boy likes you" said by the one who is sitting beside me. Gagi, ang bata pa namin may paganyan-ganyan na sila.

I have once a crush when I was in Grade 4. Ang galing niyang kumanta at ang galing niya maggitara. Kahit bata pa kami ay natrain na siya ng mga magulang niya, guitarist ang mama niya at papa niya ay singer.

Napakaswerteng lalaki naman yun.

"May Zion Pacalso ba dito?" bigla nalang akong natauhan nang biglang nagsalita ang isang babae, I think a teacher? Well, maybe. Nakabihis pormal siya tulad ng damit nong gurong nagpapasok sa amin.

"It's me," sabi ng katabi ko, so Zion is his name.

"Your section is Jazz, bakit nandito ka sa Rhythm and Blues?" tanong ng guro. Bumuntong-hinga siya at kinuha naman niya ang gitara niya. Wala siyang choice guro na yung tumawag sa kanya.

"I hate jazz" he whispered na narinig ko naman.

Tinignan ko nalang siya na naglalakad papunta sa labas. Biglang dumating yung assigned teacher namin. Ang strict ng mukha niya parang nangangain ng tao.

"This section is Rhythm and Blues, I'm expecting you to participate activities related to it. Understand?"

"Yes, madam"

Wala naman kaming masyadong ginawa at nagvocalization lang kami. Maybe this can improve my voice.

-

"H-hi"

Nabigla ako sa nagsalita kaya nastrum ko yung guitar ko ng napakalakas, grabe naman to. Siya yung lalaking manghihiram sana ng guitar ko. Napakunot ang noo ko, why? Manghiram na naman ba siya ng gitara? Napakamot siya sa batok niya at may pekeng ngiti sa labi niya.

"If you want to borrow my guitar, you can tell me" diretsuhang sambit ko.

"Lah, di n-naman ano kasi..."

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now