OS131: FALLING INTO THE SEA HOLE

4 0 0
                                    

FALLING INTO THE SEA HOLE

"Is it normal to fall inlove with someone you can hear but you can't see?"

-

Usapan nila auntie at mama na maliligo daw kami ng dagat para daw makapasyal ako tsaka ay makapagbonding kami ng pinsan kong matagal na naming hindi nakakasama. Kakarating lang nila rito sa Pilipinas. Galing kasi yung sa Canada. Minsan nga ay ayaw ko nalang magsalita dahil sa sobrang fluent nila sa pag-eenglish. Hindi naman sa hindi ako fluent pero nahihiya ako sa mga pronunciation ko.

Pinapahanda na nila ang mga gamit namin dahil magsiswimming daw kami. "Shai, promise. I'll take care of you!" sabi ni Clifford sabay yakap sa akin. Napatawa naman ako. Si Clifford ay kaedad ko lang at siya talaga yung pinakaclose ko sa lahat ng magpinsan ko.

Isa akong babaeng walang paa. Oo, naputulan ako ng paa dahil sa pagkaaksidente ko. I was 8 years old back then noong naipit ang aking dalawang paa sa kotse dahilan nang pagkaputol nito. And now I'm 18, kahit ganito naman ako ay masaya parin dahil sa pamilya kong palaging nandiyan.

"Kapag iyan di totoo, malalagot ka" sabi naman ni ate. Napatawa ang iba naming pinsan. Si Clifford naman ay napakamot sa kaniyang noo. Ayun nga, siya ang nagtulak ng aking wheel chair tsaka ang nagpasakay sa akin sa kotse. Inaasar pa nga namin siya dahil muntikan na akong mahulog. "Kapag ako mahulog, malilintikan ka sa akin" sabi ko. Umiling naman siya na parang bata.

Nang marating na namin ang beach ay nagsisiunahan sa pagtakbo ang aking mga pinsan. Ako naman ay nakatingin lang sakanila. Oh diba si Clifford kinalimutan ako. Bwesit na lalaking 'yon.

"Hoy Clifford! Si Shairra." sigaw ni ate sa kaniya. Napalingon naman si Clifford sa akin kaya sinamaan ko siya nga tingin. "Hoy Shai bati na tayo" natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi naman ako galit sa kaniya e, alam ko namang naeexcite lang siya. Ipwinesto niya ako sa isang cottage. Nandoon na din ang mga parents namin, nag-uusap lamang sila habang ako ay nakaupo lamang sa aking wheel chair at nakamasid lang sa kanila.

"Shai! Tara ligo tayo!" sabi naman ni ate pero umiling naman ako. Sabi ko ay sabay nalang kami ni mama para si mama na magbabantay sa akin at nag-okay sign naman siya. Marunong akong lumangoy noon ngunit nakalimutan ko na ngayon. Simula nong naputulan ako ng paa ay hindi na ulit ako nakapagswimming.

"Anak, hindi ka pa ba maliligo?" napalingon naman ako kay papa na ngayon ay kumuha ng softdrinks na nasa tabi ko. "Mamaya nalang po siguro."

"Baka gusto mo nang maligo, tatawagin ko si Clifford." sabi niya. Pipigilan ko sana siya kaso natawag na niya si Clifford na ngayon ay basang basa na ang buhok tsaka ay nakatingin sa akin. Itong pinsan ko nakatopless kaya pala andaming mga babaeng lumilingon dito sa amin. Ganun naman talaga siguro kung maganda ang lahi.

"Di ka magbibikini?" sabi niya pero umiling ako. Si ate tsaka yung iba kong pinsan na babae ay nagbibikini pero ako lamang ang nakashorts at nakasando lang. Ayoko magbikini. Nahihiya ako.

"Sanaol madamot sa katawan"

Bwiset na lalaking 'to. Kinarga nga niya ako papunta sa dagat at tuwang-tuwa naman ako dahil kahit wala akong paa ay inaalagaan parin ako ng mga pinsan ko. Nakasakay lamang ako sa isang yacht na nirentahan lang din ng mga pinsan kong mayayaman.

Nandito yung iba kong pinsan pero yung iba ay nagsu-swimming pa. Tinupad nga ni Clifford ang sinabi niya. Hindi siya naligo nang hindi ako kasama. Siya ang nagsisilbing paa ko habang lalangoy siya, nakapiggy back ako sa kaniya. Magaling naman itong lumangoy e. Kaya no need to worry.

It's so fun swimming with my cousin. I felt secured. Nafi-feel ko talaga na inaalagaan nila ang isang walang paang babaeng katulad ko.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni ate sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. Nasa yacht na kami kumakain. Nagpaalam naman kami sa mga magulang namin na dito lang kami.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now