OS69: UNTITLED

3 1 0
                                    

I met this guy online. Chinat niya ako at ako namang tamad magreply ay himalang nagreply sa kanya. At yes, isang malaking himala dahil nakapagchat kami from 8 PM- 2AM HAHAH kahit wala akong masyadong masabi, binubuhay niya yung conversation namin, ang saya niya kausap.

Binibilang niya yung araw na magkausap kami, sabi pa nga niya na sa akin lang siya ganun. Hindi naman sa kinikilig ako ngunit napangiti ako dahil may ganun pa pala.

Gabi-gabi ko syang nakakausap, hanggang sa dumating ang mga araw na naging busy ako sa modules ko at busy din siya sa kanya, nageexplain naman siya sakin kung bakit di siya online at nageexplain din naman ako sa kanya.

Tsaka nilagyan na pala niya ako ng nickname ngayon ko lang knows hahahah.

"Crushback mo na ako Ena" chat niya sakin tas ako naman nagpapakipot pa pero sa totoo lang may kunting pagkacrush na ako sa kanya.

Nagsend lang ako ng tumatawang emoji at nagreply ulit siya.

"Kailan mo ba ako ikacrushback?" tanong niya tas sabi ko soon. Hindi ko pa kayang sabihin ang totoo, takot ako baka kasi pinagtripan lang ako. Balik sa dati ulit kami, palagi na ulit kaming nagchatchat dahil wala na modules tapos ayon nagvoicemail kami tas kinakantahan ko siya at kinakantahan niya din ako. Ang sarap niyang kausap pramis yung tipong mapapangiti nalang ako bigla dahil sa boses niya.

Sinesendan niya ako ng pictures niya, gagi ang cute autosave na HAHAHHA tsaka pinapasend niya din ako ng pictures ko tas ako na di confident ay isang picture picture lang sinend ko.

"Bakit isa lang? Dapat marami"

"Pero kasi Brix.."

"Alam mo kahit walang filter o meron, maganda ka parin, sige na send na pangwallpaper lang" sabi niya.

Naghanap muna ako ng mga matitinong pic at sinend sa kanya at ayon sinave niya daw lahat tas pinakita pa niya yung wallpaper niya sakin at mukha ko nga nandon. Ako naman kinikilig haha.

Nag-uusap pa kami ng ilang oras hanggang sa nakaramdam na ako ng antok sabi niya din naman na matulog na siya kaya perfect timing hshshs.

Kapag nag-open ako sa fb account ko siya palagi ang inaasahan kong bubungad sa messages ko.

Ngunit lumipas ang mga araw, nagtataka ako kapag nag-oopen ako ng fb, wala na siyang message sakin kahit online naman siya tas isang araw nagmyday ako at nagulat ako nong nagreply siya.

"Kailan kaya mawawala feelings ko sayo no?"

Uy nasaktan ako don ah haha.

Magrereply na sana ako kaso bigla niyang niremove yung message. Ako naman, nagkukunwaring di ko nabasa.

"Ano yun?"

"Wala lang"

"Okay."

End of conversation.

Hindi na ulit siya nagreply. Awts yun na yun?

Sa mga sumunod na araw, nag-open ulit ako ng fb at nakita kong nagchat siya.

"Ireto mo nga ako"

Wait? Sawa na ba siya sakin?

"Okay"

Tas sineen niya ako. awit ano 'to?

Naghanap ako ng babae na pwede siyang ireto tas ayun nakahanap nga ako. Ako naman hindi na siya ginambala.

Until one day, tinignan ko ang conersation namin, I wad planning to confess but

He cleared my nickname.

He removed his vms

He removed his pictures.

And then he chatted "Sorry, tsaka thank you sa pagpapakilala sakin kay Giana" ah yung babaeng sinasabi ko sa kanya.

"Okay lang"

"Girlfriend ko na siya ngayon, thank you talaga haha, bye salamat talaga kaibigan"

Hindi ko na siya nireplyan. Awit ganun kabilis?

Ang buang ko din, kung sinabi ko din ba yung nararamdaman ko magiging kami din ba?

Sana sinabi ko na, ayan tuloy naunahan na ako.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now