OS177: UNTITLED

1 1 0
                                    

"Please come back to me" pamimilit ko sa kaniya ngunit tanging pagtitig niya lamang sa akin ang naisagot niya. Tumutulo na ang luha ko habang hinawakan ko ang mukha niya.

"Anniversary sana natin ngayon" I said.

"Sis, tama na yan" paghihila sa akin ng kaibigan ko. Hinigpitann niya ang pagkahawak sa akin habang ako naman ay patuloy sa pag-iyak at pagpilit sa kaniya na bumalik sa akin.

He used to me mine but then he left. Hindi ko inasahang mangyayari 'to sa aming dalawa. Hindi ko inasahang magiging ganito kasakit ang pag-alis niya.

"Sis, uwi na tayo." aniya ngunit ayoko. Dito ako titira kasama siya.

"Tumigil ka na sa kakaiyak, hinding-hindi na siya babalik sa iyo!" sigaw niya sa akin kaya mas lalong sumakit ang dibdib ko.

Tinitigan ko ang mukha niya na nasa picture frame na ngayon. Nasa menteryo kami para ilibing ang boyfriend ko na namatay sa mismong birthday niya dahil sa pagpupuyat at ngayong libing niya ay anniversary namin.

"Tama na yan, bitawan mo na ang picture frame. Uwi na tayo" buong lakas niya akong hinila kaya ayun ay nadala niya ako.

I hope you're happy right now wherever you are but please don't expect me to be happy after losing you.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now