OS13: UNTITLED

10 0 0
                                    

“Do you still love me?”

She nods and stared at me intently. I smiled.

“I love you too” she smiled and again she nod her head. Napahikab ako at napatingin sa kanya. Bigla akong nalungkot. “Kahit anong mangyari, wag na wag mo akong iiwan ah?”

“Kailan pa kita iniwan?” tanong niya kaya napatawa ako. Tama siya. Nandyan sa palagi sa tabi ko kahit matagal akong gumising. I have a narcolepsy. I suddenly sleep for a long time.

Hindi niya ako iniwan nong nakatulog ako for 2 months. Sabi ni dad ay siya palagi ang nagbabantay sa akin dito sa hospital at aalis lang siya kapag tinawagan siya ng mama niya or magtatrabaho na siya.

Hindi niya din ako iniwan noong nakatulong ako for 2 months again. That time sabi ni dad, naging busy lang siya dahil naospital din ang kuya niya at siya din ang nagbabantay. Naiintidihan ko naman.

Tinitigan ko siya habang siya ay nakatitig sa labas ng bintana.

“I'm so lucky to have you, Ericka”

“Mas swerte ako sayo, Prian”

Ngumiti ako at humikab.

“Are you sleepy?” tanong niya sa akin at tumango naman ako. Hinalikan niya ako ako sa noo.

“Sleep well” ngumiti ako at natulog.

Mukha niya ang huli kong nakita nong nakatulog ako hanggang sa nagising naa ako.

It's been 6 months.

“Ericka...” ngumiti ako sa kanya pero yumuko siya at parang umiyak kaya nilapitan ko siya at hahagorin sana ang likod niya pero umatras siya.

“W-what's wrong?” nagtataka kong tanong. Tumingin siya sa akin, luhaan ang mga mata. “You don't deserve me.” sabi niya.

“No, I always deserve you”

“Hindi na kita mahal”

Pain.

“Kaya mo akong mahalin ulit, iparamdam ko lang ang pagmamahal ko”

“Prian, I'm letting you go..”

“No” pumikit ako at dinamdam ang sakit na nararamdaman ko. Sana panaginip lang 'to.

“Prian! Di na kita mahal!” sigaw niya dahilan para mapatingin ang nurse na kakapasok lang pero dali-dali namang lumabas.

“Ericka, no”

Umiyak siya at nagulat ako nong hinawakan niya ang tiyan niya. What the...

“I'm pregnant”

Tumulo ang luha ko at tumitig sa kanya. “Sabihin mong panaginip ko lang 'to”

“Prian..”

Kinuha ko ang kamay niya at pinagsasampal iyon sa sarili ko. “Prian, you're not dreaming!!”

“I'm just dreaming!” patuloy ko paring ginamit ang kamay niya sa pagsasampal sa pisngi ko. “Prian! Masasaktan ka niyan!”

Napatigil ako sa pagsampal at napatitig sa kanya. “Alam mo yung masakit? dito” sabay turo ko sa puso ko.

“Prian...”

“Leave”

“P-pe—”

“Umalis ka na!” sigaw ko at humiga sa kama. At hinayaang umiyak. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Lumabas na siya.

Ang sakit.

Kakagising ko lang, buntis na siya.

Totoo nga ang kasabihan na “Promises are meant to be broken”

Sana sa susunod na pagtulog ko ay hindi na ako magigising. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa wala na akong nararamdamang sakit.

One-Shot Stories [Collection]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن