OS162: UNTITLED

3 1 0
                                    

I was about to tell him about my real feelings but my sister asked me.

"Sigurado ka ba talagang minahal ka niya?" that made me silent and smiled.

Nilagay ko nalang yung cellphone ko sa tabi ko dahil hindi rin ako sure kung minahal niya ba talaga ako.

Kahit na pinapakita niya sa akin ang pag-aalaga at yung atensyon niya, di ko parin maiwasang mag-isip-isip ng mga bagay lalo na ngayong masaya na siya sa piling ng iba.

"I'm sure he loved me." sabi ko at napalunok. Napabuntong hinga ako at kinuha ang cellphone ko. Nagsimula na akong magtipa ng mensahe para sa kaniya. And to be clear, tinanong ko siya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa akin noong kami pa.

Ilang oras akong naghintay sa reply niya at kinakabahan ako. Gusto ko lang talaga ng closure. Bigla-bigla niya kasi akong iniwan kaya kailangan kong iclear ngayon.

Nang tumunog ang cellphone ko agad kong tinignan iyon. Napangiti ako saglit at halos hindi na ako makasagot kay ate nang tinanonng niya kung ano yung sinagot. Hinayaan ko nalang siyang sumilip at binasa pa ang reply niya.

"You're uhm, a trial card?" pagbabasa ni ate. Napalunok ako. Ah trial card. Tinapik naman ni ate ang balikat ko at lumabas na sa kwarto.

"Iyan sabi ko sayo, mahirap kapag LDR kayo tas malalaman mong trial card ka lang pala" aniya tsaka umalis. Napatitig lamang ako sa cellphone ko at inuulit-ulit binasa yung sabi niya.

Trial card.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now