OS174: UNTITLED

1 1 0
                                    

"Why are you here?"

"Kukunin ko lang ang dapat na sa akin"

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Alam ko ang tinutukoy nito, makikipagbalikan na naman siya sakin. Inirapan ko nalang siya at isanara ang pinto. Nanatili siya sa labas.

"Nieza, open the door" he said. Di ko siya pinansin sa halip ay in-on ko ang TV at nilakasan ang volume para hindi ko siya marinig.

He is Lawrence, my ex boyfriend. Di ko tanggap na jinowa lang niya ako dahil sa dare ng kaibigan niya, akalain mo yun 4 months pala yun pero di nakaabot ng 4 months kasi narinig ko silang nag-uusap about sa dare na iyon. Narinig ko pa ngagng nandidiri si Lawrence sakin. Weeks after our break, nakipagbalikan siya sakin. Sabi niya sa una ay totoong dare lang yun ngunit nong nakasaman niya ako ng natagal ay totoong mahal daw niya ako. Ulol niya. Hininaan ko ang volume nong naramdaman kong wala ng tao.

Days passed, ganun palagi ang gagawin niya, pumunta siya condo ko at yun palagi ang sinasabi niya. Palagi ko naman siyang sinarhan ng pinto. Bahala siya.

Dumating ang araw ng pasukan, di ko akalain na classmate kami. Nahuhuli ko siyang tumitingin sakin kaya sinasamaan ko siya ng tingin. Lungkot naman ang makikita ko sa mga mata niya kaya iiwas siya.

Nasa cafeteria ako ngayon at kumakain kasama ang kaibigan kong si Felicia.

"Balita ko, hinahabol ka na naman ni Lawrence?" tanong niya. Umirap ako sa kawalan. Naiinis ako kapag narinig ko ang pangalan niya lalo na kapag naalala ko yung dahilan ng relasyon namin noon.

"Anong mukha yan?"

"Psh wala na akong pake sa kanya!"

"Oh bakit ganyan ka kung makareact? Mahal mo pa ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Mahal ko ba pa talaga siya? Di ko alam. Sa tuwing makikita ko siya naiinis ako sa dahilan nong pagiging magjowa namin pero kahit kaylan ay di ko siya hate. Mahal ko ba talaga siya?

"Uh, I think aalis muna ako, Usap muna kayo" biglang sabi ni Felicia kaya napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. May ninguso naman siya sakin sa likod ko kaya napalingon ako.

"Lawrence..." sabi ko. Mapait naman siyang napangiti. Pumunta siya sa harapan ko at umupo. Nakaalis nadin pala si Felicia.

"Nieza, I'm so sorry"

"Bakit mo iyon ginawa?" tanong ko pero di siya sumagot. Kaya nagsalita ulit ako.

"Ngayon gusto mong makipagbalikan sakin? Di ko alam kung tatanggapin pa kita ulit sa g---"

"What are you talking about?" nakakunot noong aniya.

"Bakit mo ako palaging pinupuntahan sa condo ko? bakit mo ko hinahabol?"

Napatawa siya sa sinabi ko.

"Sabi ko nga, kukunin ko ang dapat na sakin"

"What do you mean?" nagugiluhang ani ko. Bumuntong hinga muna siya bago nagsalita.

"Yung relo, teddy bears, t-shirt, kwentas, tsaka yung perang binigay ko sayo kukinin ko."

Napanganga ako sa sinabi niya. Mas lalo pa akong nainis sa kanya.

"Wala kang h--"

"Tsaka isali mo na din ang iPhone na binigay ko sayo, nasira cp ko dahil sayo diba?"

"Pero--"

"Ihanda mo na yun mamaya, bukas ko kukunin lahat. Aalis na ako" sabi niya tsaka iniwan akong hindi parin makapaniwala sa mga sinasabi niya.

I REALLY HATE THAT GUY!

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now