OS125: A PERFECT WAY TO LET YOU GO

3 2 0
                                    

A PERFECT WAY TO LET YOU GO
Dedicated to: Camille Manangkila Jumawan

"Camille, you need to pass your portfolio this afternoon. Sa office mo ipass, sa table ko. Kapag di ko makita doon, automatic bagsak ka na sa subject na ito." aniya. Napalunok naman ako kay ma'am at napatango. The teachers here are very strict. Hindi man lang nila inintindi ang kalagayan ko.

Last week, nagkalagnat ako kaya di ako makapasok sa school. Sinabi ko naman kay ma'am ang katotohanan pero sabi niya ay luma na daw ang palusot na iyon kaya ay tumahimik nalang ako. Bumalik na ako sa aking upuan tsaka ay kumuha na ng long bondpaper at nagsimula nang gawin ang portfolio.

"Absent pa" pang-aasar ng aking kaibigan na si Janine. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paggawa. Nagpaalam naman siya na bumili lang sa canteen kaya ako nalang mag-isa dito sa room. Recess time na kasi tapos heto ako busy.

"Need help?" napalingon ako sa nagsalita. Napalunok naman ako nang makita ko si Harry, yung crush ko. Wala naman sigurong masama na magkacrush sa classmate no? Kasi nga, crush na crush ko talaga ang lalaking 'to kahit na may iba naman siyang gusto. Since Grade 9 hanggang ngayong Grade 10 kami ay crush ko parin siya.

Kaso nga tulad ng sinabi ko may iba siyang gusto. Buti nalang talaga di ako nagconfess. Masakit man magkagusto sa kaniya ng patago ayos lang basta hindi niya ako iiwasan. Kahit na ayaw kong magpatulong ay nag-insist siya na tulungan ako at ayun dahil sa kakulitan niya ay tinulungan nga niya ako.

Pagkapasok ng iba kong classmates ay wala naman silang pakialam sa amin dahil nga itong si Harry kilala bilang matulungin, mabait at tsaka matalinong estudyante sa school. Hindi ko naman din sinabi kay Janine na crush ko 'tong si Harry. Malaki pa naman bunganga non.

Kaya lang naman ako nagkacrush kay Harry dahil doon sa isang singing contest dito sa school namin nong Grade 9 pa kami. As in, kinikilig ako sa boses niya plus ang gwapo niya pa. Hanggang ngayon crush ko parin siya pero di niya alam.

Dumating ang panahon na senior high na kami, hindi na namin siya nakita. Yun pala ay nagtransfer siya ng ibang school dahil sa family problem. Naghiwalay na ang kaniyang parents. And sadly, kahit nag-iisa siyang anak ay parang pakialam sa kaniya yung parents niya. His mom is a doctor and his dad is a lawyer so probably walang time ang parents niya sa kaniya. I felt bad for him.

Napakachismosa ko no? Narinig ko lang naman yun sa kapitbahay namin, syempre sikat iyong pamilya ni Harry dahil parehong kilala ang parents niya at syempre kilala din siya sa school namin.

Hindi na ako nagcollege dahil feeling ko ay hindi kakayanin ni mama ang mga tuition fees. Nag-apply naman ako ng scholarships pero hindi ako napili kaya ayun, napagdesisyonan kong huwag nalang mag-aral at tulungan nalang si mama sa maliit niyang restaurant. Masaya naman dito. Si papa? Matagal nang wala.

"Camille, pakibigay nitong bulalo sa pangalawang lamesa." sinunod ko naman ang utos ni mama tsaka ay binati ko muna iyong babae at binigay ko na sa kaniya yung bulalo. "Ahm, miss, pakidagdagan nalang ng softdrink yung coke." tumango naman ako. Bumalik ako doon ke mama at kumuha ng coke tsaka ay binigay naman sa babae iyon. At may request na naman siya. Tinidor daw kaya ay bumalik ako sa kusina at kumuha ng tinidor at binigay sa babae.

Kahit na nasanay na ako sa mga ganoong customer ay di ko parin maiwasan ang maiwasan ang mainis. Pwede naman kasing sabay-sabay niyang sasabihin may dala naman akong papel para ilista yung mga sasabihin niya.

"Camille, papuntahin mo dito si Janine. May ibibigay ako." sabi ni mama. Tumango lang ako sa kaniya at nagpaalam muna na tawagan si Janine. Tinawagan ko pero hindi siya sumagot. Baka nasa klase pa yun?

"Ma, di ko macontact," sabi ko sa kay mama. "Text mo nalang na pwede niyang makuha yung binilin niya sa akin na isda." sabi nito at itinext ko naman kay Janine.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now