OS87: UNTITLED

1 1 0
                                    

"I've been kidnapped.. "

Nagsimula ng bumuhos ang luha ko noong naalala ko ang araw nayun. Hinimas naman ni mama ang likod ko.

"May p-project kaming kailangang taposin n-non" I paused and sighed.

"Tapos?" tanong ng mama ko.

"Gabi na yun at ako lang mag-isa ang pumunta sa bahay ng classmate ko..."

Pumikit ako inalala ang lahat ng nangyari sa araw na yun.

[ F L A S H B A C K ]

"Papunta na ako dyan" sabi ko habang nagbibihis.

[Sige, bilisan mo huh? Madami pa ang taposin natin]

Inend ko na yung call at binilisan na ang pagbihis. Wala pa sila mama at papa kasi bumisita sila kay lolo at lola sa kabilang probensya kaya ako lang mag-isa dito sa bahay. Wala akong kapatid e.

Tinignan ko yung oras. 7:53 PM pa naman.
Nong nakalabas na ako sa bahay ay pumara agad ako ng jeep. Buti nalang hindi puno yun.

Noong nakarating na ako sa bahay ng classmate ko dali-dali akong pumasok sa bahay. Wala ng katok-katok, pasok agad.

"Butii nandito kana, oh siya dyan ka muna. Kunin ko muna yung laptop"

Umupo ako sa sofa nila at kinuha yung cellphone ko. Nagtext ako kay mama na nasa bahay ako nila Aia dahil sa isang project. Nagreoky naman agad si mama non na mag-ingat daw ako. Oo syempre naman.

Pagkatapos non ay ginawa na namin ang project namin. Nakakastress tong project sa Arts. Alam nyo naman na di ako mahilig sa arts kaya eto. Nagpapatulong ako HAHAH buti nalang mabait si Aia.

"Hays, butii natapos na natin"wika ko at nag-unat.

"Yeah, kakapagod. Dyan ka muna kuha lang ako ng snacks"

"Naks, sige kuha ka na nagugutom na akoooo"

Tumawa lang si Aia habang kumuha ng snacks.

-

"Oh kumusta na kayo ni James?" she asked.

Napahinto ako sa pagkain at ngumiti. Ngiting fake.

"O-okay lang, settled na"

"Ano ba talagang dahilan bakit ba kayo naghiwalay?" she asked.

Sasagot na sana ako sa kanya kaso biglang tumunog yung cellphone ko. Nagpaalam naman ako may aia.

"Hello ma?"

[Gabi na Camille. Uwi kana]

"Oh sige po, magpapaalam muna ako kay Aia" sabi ko at inend na ang call.

"Aia, bukas ko nalang sasagutin yan ah? Pinapauwi na kasi ako ni mama e"
Tumango lang sya at ngumiti. Dali dali naman akong lumabas sa bahay nila. Tinignan ko yung oras 10:45 PM na. Kaya pala nag-alala na si mama.

Wala ng jeep na dumaan kaya naglalakad ako. Grabe ang dilim. Lowbat pa naman ako kaya wala akong pangflashlight.

Habang naglalakad ako, may nararamdaman akong sumusunod. Kaya lumingon ako. Isang van na puti.

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa paglakad. Pero nakasunod parin sya. Natatakot na ako. Kaya tumakbo ako pero ang malas ko, naabutan ako.

"Tuloooonggg pooo! Huhu tu--"

Tinakpan nila yung bibig ko at tinali nila ang dalawang kamay ko at isinakay nila ako sa van. Iyak ako ng iyak.

"Boss, may nakuha na tayo, aalis naba tayo?"

Nakatalikod yung boss nila at nakita kong tumango ito. Hindi ito nagsalita.

Pinaandar ng driver ang van.

"Boss, ang ganda nya. Sure ba kayo dito?" sabi ng isang lalaki na nakamask. Akmang hahawakan ako ng lalaki sinamaan ko sya ng tingin.

"Hahawakan lang naman e" aniya.

"Don't you dare to touch her, Von" sabi ng boss nila.

That voice.

Lumingon ang kanilang boss sakin at ngumiti. Shit. Hindi ako nagkamali.

He's my ex. James Gomez.

Sya na mismo ang nagtanggal sa takip ng bibig ko.

Hindi ako makasalita. Wala lang natrauma ako. Bwesit tong lalaking to.

"Miss me, Camille?" nakakalokong ngiti nito.

"James... "

"Shh, wag ka munang magsalita, reserved mo yan mamaya." sabi nya.

Shittt, kinabahan ako don ah.

My heart skipped a bit. Damn, aaminin ko, namimiss ko sya.

Nong huminto na ang sasakyan ay pinalabas nila ako. Tinaggal na din nila yung tali sa kamay ko pero tinakpan naman yung mata ko. Tss.. Ano ba naman to?

Nagoosebumps nong may humawak sa beywang ko. Then he whispered.

"Mille, are you ready?"

Hindi ako sumagot kasi wala akong masagot psh. Lakas magsurprise ng lalaking to.

He guided me to walk. Syempre di ako makakita tinakpan nila mata ko.

Ilang minuto ang nakalipas ay huminto na kami.

"Camille, I really wanted to say this to you" huminto sya sa pagsalita. Nagulat nga ako nong niyakap nya ako.

"Nong nakipaghiwalay ka sakin, di ko alam kung anong gagawin ko. Ewan ko ba bakit. Nababaliw lang ata ako sayo." Kahit hindi ko makita ang mukha nya ay alam kong nakangiti na sya.

"Please come back to me baby, please?" Sabi pa nya.

Dahan dahan nyang tinanggal ang takip sa nga mata ko. Diretsong napatingin sa kanya.

Yung puso ko.

Lumuhod sya at may kinuha sa bulsa nya na nakapaggulat lalo sa kin.

"Diretsuhan na ito, will you marry me? Camille? Kung magno--"

"Y-yes."

Lumiwanag ang mukha nya

"Pakiulit nga?" ngumiti sya.

"Yes. I will" niyakap nya ako ng mahigpit.

"Yeeeeyyyy, iloveyyouuuu!"

Pagdating talaga sa lalaking to marupok ako HAHAH

[End of Flashback]

"Oh wife, wag kanang umiyak, prank lang naman yong kidnapped e. HAHAH" tumawa sya kaya hinampas ko sya. Pinahid ko yung luha ko.

"Natrauma ako sa ginawa mooooo tinakot mo akoo!" sigaw ko sa kanya.

"Pero kinilig ka naman nong binigyan kita ng singsing?"

Namula ako bigla.

"Aba ewann ko sayo tss. "

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now