OS9: UNTITLED

15 1 0
                                    

Once upon a time, humans are forbidden to fall inlove with their greatest enemy, the monsters who lived in the forest of Jadam. Monsters will kill humans within a minute.

The prince of monsters named Goro  is curious about the life of a human. He approached his father and asked him about the life of the human.

“Goro, wag na wag kang pumunta doon sa lugar ng mga tao” sabi ng kanyang ama.

“Bakit po, mahal na ama?”

Hindi agad nakasagot ang kanyang ama sa halip ay nakikita niya at nararamdaman niyang galit ang kanyang ama sa mga tao. Agad naman siyang bumalik sa kanyang kwarto at tumingin sa bintana nito.

“Bakit magkaaway ang halimaw at ang tao?” napatanong siya sa sarili. Huminga siya ng malalim at umupo sa kama niyang gawa sa bato. Tinignan niya ang kamay niya at kinuyom ito. Pumikit siya sandali at nang dumilat na siya ay agad niyang nakita ang lugar ng mga tao.

Isa lamang itong ilusyon. Siya ay may kakayahang gumawa ng ilusyon at sa lahat ng mga halimaw ay siya lamang ang makakagawa nito.

Gamit ng kanyang ilusyon ay namasyal siya sa lugar ng mga tao. Hindi niya alam na ang ilusyon niyang iyon ay ang kasalukuyang nangyari doon. Napangiti siyang nagmamasid sa mga batang masayang naglalaro sa duyan.

Naglalakad lang si Goro hanggang sa narating niya ang isang bahay kung saan siya nakarinig ng iyak ng bata. At dahil hindi naman siya makikita ng mga tao dito at hindi naman niya alam na ito ang kasalukuyang nangyari, ay pumasok siya doon. Sinundan niya ang iyak ng bata hanggang sa narating niya ang isang kwarto. Binuksan niya ito at agad bumungad sa kanya ang sanggol na babae. Nilapitan niya ito at napangiti siya. Hinawakan niya ang kamay nito at nagulat siya nang bigla itong tumigil sa pag-iyak at ngumiti ito. Napalunok si Goro at nagtataka siya kung bakit iba ang nararamdaman niya. Agad niyang binitawan ang kamay ng bata at napahawak sa dibdib niyang kumakabog.

“Ano ang ginagawa mo?” boses ng kanyang ama. Wala na siya sa kanyang ilusyon.

“W-wala po, mahal na ama” nag-iwas siya ng tingin sa kanyang ama at agad ng lumabas sa bahay. Umakyat siya sa paborito niyang puno at napahawak ulit sa dibdib niya.

“Bakit ka ganyan?” tanong niya habang nakahawak sa may bandang puso.

Simula nong araw na iyon, palagi na niyang bibisitahin ang kanyang ilusyon, at mismo doon sa bahay ng batang babae. Araw-araw niya itong binabantayan hanggang sa  lumaki ang bata, 9 years old. Isang magandang bata. Minsan nga ay takot siyang makita ng mga tao ngunit maalala naman niyang nasa ilusyon lang sya.

Ang ama naman ni Goro ay nagtataka na kung bakit minsan nalang lumalabas si Goro sa kwarto niya. Wala siyang kaalam-alam sa mga pinaggagawa ng anak niya.

“Bantayan niyo ang mahal na prinsipe” utos ng hari sa mga halimaw niyang tagapagsilbi.

“Opo, mahal na hari”

Nagtataka naman si Goro dahil sa tuwing lalabas siya ay may mga tagapagsilbing palaging sumusunod sa kanya. Hindi naman iyon nangyari noon pero hinayaan niya lang ito

Isang araw, masayang pumasok si Goro sa kanyang kwarto. Hindi niya alam na nandoon pala ang kanyang ama. Gamit ang kanyang kakayahan. Kaya niyang maging invisible kaya hindi siya nakita ni Goro.

Nakangiting nagsimula na si Goro na gamitin ang kanyang ilusyon at pupunta na sana sa bahay ng babae ngunit napadilat siya bigla nang may humawak sa ulo niya, napalunok siya.

“M-mahal na Ama..”

“Tigilan mo yan...” sabi ng kanyang ama. Galit ang nakikita ni Goro sa mata ng kanyang ama kaya napatango na siya. Ngunit lumipas ang mga araw ay gumamit na naman siya ng kanyang ilusyon. Akala niya ay hindi na siya mahuhuli ng kanyang ama ngunit agad na sinugatan ng kanyang ama ang kanyang pulsuhan. Napasigaw siya. Agad siyang nanghina at nawalan ng malay

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now