OS72: UNTITLED

3 1 0
                                    

Isa akong pulubing naninirahan lang sa lansangan.
Palagi nalang kahirapan ang nararnasan
Minsan ay hindi na kumakain,
Mga taong ginawa lang kaming alipin.

"Oscar, bumangon ka't may ipapagawa sa iyo yang tao na yan" sabi ng isa sa mga pulubing kasama ko dito sa lansangan. Tinignan ko ang taong nasa kabilang banda ng kalsada, nakangiting nakatingin sa akin. Siya iyong tinuro ng kasama ko.

Sa tingin ko ay isa din siyang pulubi na katulad ko ngunit sa tindig niya ay parang delikado samantalang ako nanginginig sa takot at lumapit sa kinaroroonan niya. Akala ko siya lang mag-isa ngunit marami pang iba, Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa kaya napayuko ako.

"May ipapagawa ka daw po sa akin?" tanong ko. Tumawa siya at tinapik ang balikat ko, nagulat naman ako nang bigla niyang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Napakunok ako habang tinignan siya sa mata. Mga matang puro katapangan at kayabangan ang aking nakikita.

"Bata, ano pangalan mo?" tanong nito sa akin. Lumunok ako bago nagsalita. "O-oscar" tumango siya, may isinenyas siya sa lalaking katabi niya dahilan upang mapakilos ang lalaki at hinablot ako. Dinala ako sa isang upuan at pinaupo niya ako doon.

"Kumain ka na ba?" tanong niya. Umiling ako't tumingin sa kanya. Papakainin niya ba ako? Pero wala sa mukha niya ang magpakain ng tulad ko. May isinenyas naman siya sa lalaking nasa likuran niya at dali-dali naman itong kumilos at kumuha ng pagkain. Ibinigay nila yun sa akin at pinakain ako. Ako naman, gutom na gutom kaya halos plato ay makain ko na.

Akala ko pwede na akong umalis ngunit nagtaka ako kung bakit pinalapit pa niya ako sa kanya at ako naman ang natatakot lumapit din.

May itinuro siyang bahay. "Kaya mo bang magnakaw sa bahay na iyan?" tanong niya sa akin, nagulat naman ako't napailing. Agad naman niya akong sinuntok sa tiyan dahilan upang mapahawak ako sa tiyan ko.

Tinanong niya ulit ako. "Kaya mo bang magnakaw sa bahay na iyan?" umiling ako at sinuntok na naman ako muli. Inulit-ulit niya pa ang tanong ngunit ayaw ko talaga kaya nasuntok ako ng ilang beses hanggang sa nawalan ako ng malay.

Isa lang akong pulubi ngunit hindi magnanakaw.

Nagising ako dahil sa nakaramdam ako ng kakaibang nararamdaman. Masarap ito. Sa pagdilat ko sa aking mata, agad kong nakita ang babaeng nakapatong na sa akin, hubo't hubad. Gusto kong tumakas ngunit nakaposas ako. Akala ko babae lang ang pwede maganito ngunit maski lalaki napapagsamalantahan na.

Napapikit ako dahil sa sarap ngunit hindi ko naman alam kung paano ako naganito. Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang lalaking tumawag sa akin kanina, masaya siyang nakatingin sa aming dalawa. Wala siyang hiya.

Pagkatapos ng ginawa sa babae ay lumapit siya doon sa lalaki at yummuko pagkatapos ay umalis na. "Pinapasarapan na kita, kaya ka bang magnakaw sa bahay na iyan?"

Ano nga ba ang nasa loob ng bahay na iyan? Bakit iyan nalang palagi ang itinuturo niya. Umiling ako handa na akong masuntok ngunit tumawa siya ng malakas.

"Panagutan mo ang babaeng pumatong sa iyo, anak ko iyon" sabi niya kaya napalunok ako." may ama bang ganoon? Nababaliw na ba ang lalaking ito?

May lumapit sa aking lalaki at tinanggalan ako ng posas. Agad ko namang sinuot ang pantalon ko at nanginginig na napaupo.

"Bakit ako?"

"Mga bwesit ang ibang kasama mo sa lansangan at ikaw lang ang mukhang mabait" sabi pa niya. Hindi ako natuwa. Isa lang akong normal na pulubi ngunit bakit ganito na ang aking buhay?

"Kaya mo bang magnakaw sa bahay na iyan?" sabi niya sabay turo sa bahay ngunit umiling ako kaya sinuntok ako at hanggang nawalan ulit ako ng malay.

Ilang araw ang lumipas na hindi ako nakakain at umiinom. Nakikita ko ang babaeng pumatong sa akin at napag-alaman kon Berta ang pangalan nito. Maganda siya ngunit hindi ko ginusto ang ginawa niya sa akin. May matino bang babae na gagawin iyon sa di niya kilalang tao?

Pakiramdam ko malapit na akong mamatay kaya nong lumapit sa akin si Henry, iyong lalaking parang boss nila na ama ni Berta, tinanong niya ako muli at sa oras na ito, napapayag ako. Isa lang naman ang gusto ko, ang makakain at makatakas na sa paraisong naranasan ko ngayon sa kanila.

Dumating ang araw, araw ng aking pagnanakaw, nag-aalinlangan pa nga ako dahil sa ayokong magnakaw. Pumunta nga ako sa bahay na itinuro niya may hinigay siya aking mapa sa bahay na iyon. At nong nakarating na ako sa underground andami kong nakikitang ginto at pilak. Kaya pala.

Unang pagnanakaw, naging maayos. Masaya si boss Henry kaya natuwa din ako binigyan niya ako ng isang ginto at ayos lang naman sa akin. Umupo ako sa upuan at natulala. Nagulat naman ako nang nilapitan ako ni Berta, napayuko ako at parang ako pa ang nahihiya sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko.

"Pasensya ka na" sabi niya kaya napalingon ako. "Ayos lang" sabi ko.

"Ako ang may kasalanan sa lahat" sabi niya pa kaya nagtaka ako. Nilingon ko siya at nagtaka.

"Hindi mo kasalanan-"

"Hindi ko parin ba kasalanan kung ako ang nag-utos sa ama kong mapabilang ka sa aming grupo?" tanong niya kaya napalunok ako. Bakit ako?

"Bakit?" tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin at yumuko. "Matagal mo ng nakuha ang atensyon ko, ganito pala ang nagagawa ng pag-ibig no?"

Nagulat ako sa biglaang pag-amin niya sa akin. "Ibig sabihin, desisyon mo din yung ano- yung" tumango siya.

"Gusto kitang makasama habang buhay, Oscar buntis ako ikaw ang ama nito" napalunok ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako handa sa ganito. Isa akong binatang pulubi na napabilang sa mga magnanakaw.

"Hindi ko kayang masuklian ang nararamdaman mo" sabi ko. Napatingin siya sa akin. Papaiyak na siya. "Pasensya n-"

Nagulat ako nang bigla niya akong tinutukan ng baril ang tiyan niya.

Umiiyak na siya. "Panagutan mo ako o papatayin ko ang batang dala dala ko na anak mo?"

Sasagot na sana ako nang may tumutok na baril sa ulo ko. Napatingin ako doon at si Boss Henry iyon. Napalunok ako at napatingin kay Berta. "P-panagutan kita at m-mamahalin" sabi ko na nanginginig. Ngumiyi si Berta at agad akong niyakap. Inalis naman ang baril na nakatutok sa akin at umalis na si boss Henry na may ngiti sa labi.

Mahirap ang buhay sa mga mahihina. Ipit na ipit ang buhay ng mga mahihina katulad ko.

Kapag may lakas ka, kaya nilang kontrolin ang mga mahihina.
Kapaag mahina ka, handa kang maging utosan ng mga malalakas. Iyan ang reyalidad na dapat nating harapin.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now