OS119: HIDE-AND-SEEK: THE REMINISCENCE

2 0 0
                                    

HIDE-AND-SEEK: THE REMINISCENCE

At a young age, we're really fond of playing hide and seek.

"Uy! Si Shiela taya!" Veronica shouted then I laughed. Napakamot naman ng noo si Shiela at nagsimula nang pumikit at magbilang.

Tumago ako sa likuran ng bahay at hindi ko naman alam kung saan nagtago si Veronica. I was just here praying that she's safe. Ako ang inatasan ng kuya niya na bantayan siya dahil sa aming tatlo siya ang pinakabata.

"Bulaga!" nagulat ako nang sumigaw si Shiela at natawa naman siya kaya napailig ako. "Punta ka na sa open space, hahanapin ko muna si Veronica." tumango naman ako at pumunta na doon. Umupo ako sa isang kahoy at nakatitig lang sa lupa. Natatawa lamang sa mga iniisip kong kalokohan.

Paano kung darating ang panahon na magkacrush ako isa sa kanila dahil sa mga pelikulang napanuod ko, madalas ganito ang sitwasyon. Sa murang edad, mahilig na akong manuod ng mga ganun. Minsan nga ay pinapagalitan ako ni mama at papa dahil nga para lamang iyon sa mga matatanda.

Eh? Ano naman kung ganun? Tatanda din naman ako.

Napalingon ako sa gilid nang makita ko si Shiela na tumatakbo papalapit sa akin na may nag-alalang mukha. Humihingal pa siya nang mapahinto siya sa harapan ko.

"Kenzo!" she shouted.

"Anong nangyari?" nag-alalang tanong ko.

"I can't find Veronica." sabi niya. Dahil doon agad akong tumakbo at nagsimula nang tawagin si Veronica.

Lagot ako nito sa kuya niya, mapapagalitan na naman ako. Noon kasi napagalitan din ako ni Kuya Matt, kuya niya dahil nadapa noon si Veronica tapos wala naman sana akong kasalanan dahil ang bato ang kasalanan non. Pero inako ko dahil kung ganun papagalitan na naman si Veronica ng kuya at mama niya. Masakitin lang yung kuya niya pero ang totoo napakaprotective non sa kapatid niya.

"Did you find her?" Shiela asked. Umiling naman ako sa kanya. "Nasaan kaya yun? Ang galing namang magtago ng babaeng yun!" natawa pa nga ako nong sinabi niya iyan. Tinulungan ko na siyang maghanap ngunit hindi talaga namin siya

Shiela, Veronica , and I were good friends. Ako lamang ang lalaki sa kanila but it doesn't matter. Wala namang masama kung makikipagkaibigan sa mga babae. We are now playing hide and seek ngunit nagpanic kami dahil isang oras na naming hindi mahanap si Veronica.

Binabalewala na namin ang laro at mas nag-alala na kami kay Veronica. Ilang minuto ang lumipas ay may narinig akong tawa sa likuran ko. Si Veronica, nandoon na sa open space. Tumakbo namanbkami ni Shiela papunta doon at chineck namin kung ayos lang ba siya.

"Bakit kayo ganyan?« tanong ni Veronica. Hindi agad kami mamkasagot ni Shiela at napahinga lamang kami ng malalim.

Nong araw na iyon ay hinatid na namin si Veronica sa bahay nila tsaka kami umuwi ni Shiela sa nga bahay namin. Actually, magkapitbahay lang naman kaming tatlo pero ewan, inaalagaan talaga namin si Veronica. Akala nga namin papagalitan kami ng kuya niya o mama dahil hapon na nong nauwi kami pero naghanda pa nga sila ng pagkain para sa amin.

As the time passed, we grew up, of course. I turned 15, Shiela turned 14 and Veronica turned 12. Nothing's changed. We were still good friends but hindi na kami naglalaro ng tagu-taguan simula nong araw na iyon. Natatakot ako, ewan ko naman kay Shiela kung natatakot ba siya. Natatakot akong maulit na naman ang nangyari noon. Kahit na palagi kaming pinipilit ni Veronica na maglaro ng tagu-taguan, hindi kami pumayag ni Shiela.

Until one day, nalungkot kami ni Shiela dahil sa sinapit ni Kuya Matt, namatay na si Kuya Matt. Veronica was so sad that time at ang tanging magawa lang namin ni Shiela ay ang eh-comfort siya. Simula non, hindi na siya palaging lumalabas ng bahay at hindi na niya kami kinakausap.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now