OS88: MAY CANCER AKO STAGE 4

1 2 0
                                    

MAY CANCER AKO STAGE 4

Katagang palagi kong maiencounter sa RPW, ngunit hindi nila pinaniniwalaan ang mga taong nagsasabi ng ganun. I have a RP account and hindi ko man alam paano magpaalam sa mga naging kaclose ko doon kasi natatakot akong hindi nila ako paniniwalaan.

Lalo na ang karelationship status ko, si Hades. Baka hindi siya maniniwala sa mga pinagsasabi ko.

"Bakit ka nagcecellphone jan?! Diba sabi sayo ng doctor ay bawal ka magcellphone? Baka lumala pa yang karamdaman mo" sita ni mama sa akin.

Nasa hospital kami ngayon at tanging si mama lang ang nagbabantay sa akin. Busy si papa, naghahanap ng pera para sa hospital bills.

Malaki narin ang bayarin dito sa hospital. Sa tagal ko pa naman dito sa hospital. Almost 2 years na ako dito and nasa hindi mabuting kalagayan pa ako.

"Pasensya na po ma, may chineck lang po kasi ako" sabi ko. Binawi niya yung cellphone ko tsaka nilagay iyon sa maliit na lamesa kaya napabuntonghinga ako.

"Magpahinga ka diyan," savi ni mama. Tumango ako at nagtaklob na ng habol. Sobrang hirap dito sa hospital. Hindi mo maranasan ang kalayaan doon sa labas.

Naramdaman ko ang paghalik ni mama sa noo ko. "Aalis muna ako, magpahinga ka muna diyan" sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi ni mama. Nang makaalis na siya ay dali-dali kong inabot ang cellphone ko at nag-open sa RP account ko.

Pagkaopen ko ay agad nagpop-up ang message ng ka-rs ko.

"Babe, kumain ka na ba?" tanong nito at agad ko naman itong nireplyan ngunit nagulat ako nang may bigla tumulo na dugo mula sa ilong ko. Isinend ko muna yung tinayp kong message at inilagay ko iyon sa lamesa. Agad namang dumating ang nurse at tinulungan ako.

Pinainom niya ako ng gamot pagkatapos ay pinalitan niya ang dextrose ko. Tinanong niya kung kumusta ang pakiramdam ko at sinabi ko naman ang totoo. Ayos lang ako. Tumango siya at nagpaalam lang umalis. Lumingon ang sa lamesa kung saan ko nilagay ang cellphone ngunit wala na doon. Napabuntong hinga ako. Kinonfiscate na naman ng nurse.

Hindi ako nakapag-open sa loob ng isang linggo. Kinakabahan ako kung ano na ang iniisip ni Hades nito.

Sa loob din ng isang linggo ay napapadalas ang pagtulo ng dugo galing sa ilong ko.

Palagi nalang akong bibisitahin ng nurse dito at pinagsasabihan niya ako na ipahinga muna ang katawan at ulo ko at ang tanging magagawa ko ay ang ngumiti at tumango.

"Kaya ayaw ko sanang bilhan ka ng cellphone ayan tuloy, yung kalusugan mo" sermon ni mama sakin.

"Kahit ngayon lang ma, please" pangungulit ko kay mama. Buo na ang desisyon ko. Gusto ko ng magpaalam. Gusto ko ng iwan ang RPW. Ayos lang kung pagtatawanan nila ako at least nagsasabi ako ng totoo.

At salamat dahil binigay ni mama sa akin ang cellphone.

Agad kong tinignan ang messages at pinagsasabihan ko lahay ng friends ko. Yung iba nagreply pero parang natatawa. Di sila naniniwala. Tinignan ko naman ang message ni Hades at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Let's break up."

Nagreply ako sa kanya kung ano ang rason niya pero naglikezone lang siya.

At ayon, tapos na ang lahat, dinelete ko na ang rp account ko.

Naging boring ang isang buwan ko na magstay dito. Buti nalang ay may nakilala akong matatawag ko ng kaibigan.

Si Kian at si Kianna.

Magkambal silang dalawa. Parehas silang may sakit sa puso. Nasa kabilang kama lang sila at tanging tela lamang ang namamagitan sa amin.

"Tell us about yourself" sabi nong Kian. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at nagsimula ng magkwento tungkol sa sarili ko. Nagtawanan kami nang sinasabi ko sa kanila ang mga nakakatawang pangyayari sa buhay ko.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now