OS130: THE THIEF

4 1 0
                                    

THE THIEF

"Mamatay na sana yung kumuha ng tupperware ko!" sigaw ko.

Napahilamos ako sa aking mukha nang hindi ko mahanap ang tupperware na kakabili ko lang last week. Nandito lang naman kasi yun sa kusina. Paanong nawala? Ako lang naman mag-isa dito sa apartment kaya paanong nawala? May magnanakaw ba dito?

Tinignan ko ang relo ko at damn, I'm late. Dali-dali akong lumabas at inilock iyong room ko at ensaktong lumabas din yung lalaking na nasa katabi ng room ko kaka-stay lang niya dito kahapon. Minsan nga napapaisip ako kung siya ba kumuha ng tupperware ko pero imposible naman kasi base sa usap-usapan, mayaman daw ang lalaking iyan pero mas pinili nitong lumayas sa bahay nila tsaka ay diba kahapon lang naman nandito? So imposible talaga.

Isa lamang akong janitress sa police station, part time job ko ito. Mahirap ang buhay namin sa probinsiya at syempre kailangan kong mag-aral ng may tiyaga dahil ako ang panganay at matanda nadin si mama at si papa. Nasa 2nd year college pa ako pero kahit ganito lamang ang part time job ko, masaya parin ako basta lang ay maipapadala akong pera sa pamilya ko.

Pero yung tupperware ko nga! Ang mahal na non e. O baka yung lalaking ng stay sa kaharap na room? Pero imposible palagi lang naman yun nasa kwarto yun. Halos di nga yun lumabas. Mamaya ko nalang hahanapin kailangan ko nang pumunta doon sa kulungan.

Pagkadating ko doon ay marami ng police doon na binabati ako. Syempre mga kaibigan ko sila, sinabi ko lang naman sa kanila na kailangan ko talaga ang trabahong ito kahit na sana kaya naman daw nila. Pero pinapakiusapan ko talaga ayun ay pumayag naman sila.

"Zhally, pakibigay nga ito doon kay Sir Rundolph." ani ng isa sa mga pulis dito tumango naman ako at ibinigay ang mga papeles kay Sir Rundolph na ngayon ay may kausap pa sa phone. Nilagay ko nalang iyon sa gilid tsaka ay nagpatuloy na sa paglilinis. Pagkatapos ng trabaho ko ay pumasok na din ako sa school at syempre ano pa ba ginawa ko doon? Nag-aral.

My day went well but nong umuwi na ako ay panibagong bagay na naman ang nawala. Yung kutsara ko. Yung paboritong kutsara ko! Tsaka yung plato ko. Dalawang plato ko

Nabasabunot na ako sa buhok at napadapa sa kama. "KAPAG NALAMAN KO KUNG SINONG NAGNAKAW NG GAMIT KO, IPAPAKULAM KO NA TALAGA!" sigaw ko. Biglang may kumatok kaya padabog akong binuksan iyon. Nakita ko iyong bagong lipat tsaka ay seryoso siyang nakatingin sa akin. "Ikaw ba nagnakaw ah?!" tanong ko.

Napakunot ang noo niya. "What the heck are you saying? Gusto ko lang namang manghingi ng kunting kapayapaan kasi kanina ka pa sigaw ng sigaw. May klase ako" aniya. Inirapan ko siya tsaka ay isinara na yung pinto. Bwiset.

Sa mga sumunod na araw, sunod-sunod na din ang pagkawala ng gamit ko. Kaldero, frying pan, heater, ceiling fan, mga pancit canton ah basta karamihan lang yan sa nawawala. Magtataka lang ako dahil kapag bibili ako ulit mawawala talaga iyong mga gamit ko.

Kulang nalang talaga pati itong kama nanakawin narin bwiset!

Then, may lumabas na issue sa apartment. Hindi lang naman pala ako ang nananakawan. Yung iba din dito. Grabe, andaming nagrereklamo. "Pwede po bang pakihinaan ang mga boses niyo?" sabi nong guy. Mag-iisang buwan na siya dito pero hanggang ngayon di talaga namin alam kung ano pangalan niyan, tahimik pero masungit ang dating nakakainis.

Galing ako sa trabaho at papauwi na ako. Patungo sa aking room ay nakarinig ako ng ingay. Buti nalang may dala akong payong. Heto na, makikilala na din kita!

Binuksan ko kaagad yung pinto at nagulat ako sa nakita ko. Yung bagong lipat! Dala-dala nito ang unan ko tsaka yung kumot ko na hello kitty. Gulat siyang napatingin sa akin. Sabi ko na nga ba. Agad ko siyang sinugod at pinaghahampas ng sa kaniya. "Sabi ko na nga ba! Bwiset ka!"

Sinabunutan ko siya kaya napaaray naman siya. Tuwing gabi pala siya magnakaw ah? At plano pa talagang kunin yung unan at kumot ko! "Let me explain!" sigaw niya.

"Walang explain-explain! Sumama ka sa akin!" sabi ko. Hnila ko ang tenga niya kaya napaaray siya. Kinuha ko sa bag ko yung posas na bigay sa akin ng pulis in case daw ako ang makahuli ng magnanakaw dito.

"Hindi ako magnanakaw!"

"Tumahimik ka!" sigaw ko kaya napatahimik siya. Pinusasan ko siya tsaka ay diretso na agad kami sa prisento.

Sinabi ko ang buong detalye sa pulis at napatango-tango naman sila at di ko alam na may time din pala para mag-explain 'tong kupal na 'to.

"Hindi ako magnanakaw" aniya sabay lingon sa akin.

"Ano ang ginawa mo kanina sa room ko?" tanong ko. Highblood ako sa lalaking 'to. "Ginagawa ko lang ang gawain ko." aniya.

"Ang magnakaw?" tanong ko.

"Hindi nga sabi ako magnanakaw!"

"Eh ano nga?" sigaw ko. Naiinis na talaga ako sa lalaking to ipapakulam ko na talaga 'to.

"Sobrang gwapo ko na ba para di mo na ako maalala?" tanong niya. This time kumalma ako at napakunot ang noo ko. Magkakilala kami? Kailan ko siya nakilala? Saan ko siya nakilala? Paano?

"Hindi nga kita kilala" sabi ko. Napasmirk naman siya.

"Ako lang naman 'to yung ninakawan mo ng lapis noong grade 1" sabi niya. Eh? Marami naman akong ninakawan ng lapis noon kaya di ko siya matandaan buwiset siya. Pake ko ba kung isa siya sa mga ninakawan ko ng lapis. "Ano hindi mo parin ako maaalala?" tanong niya.

Hindi ako sumagot kaya nagulat ako nong bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. Napahampas naman ako sa kaniya. "Nakakadiri ka!"

"Ako lang naman 'to yung ninakawan mo ng halik sa pisngi noong grade 3" sabi niya at ngumiti. Natulala ako. What the heck?! Drake? Crush ko yan noong grade 3 ako. Owemji!

"And about sa mga gamit mo, may duplicate key ako sa room mo. Nanghingi ako sa may-ari tsaka sabi ko, ikaw ang hinahanap kong asawa." aniya napanganga naman ako at napangiti naman siya. "Sabi ko naman e, hindi ako magnanakaw. Gusto ko lang ilipat yung gamit mo sa room ko para magkasama na tayo" aniya. Tang...i..na.

"Ehem, ehem." napatingin kami sa mga pulis na kanina pa pala nakikinig sa amin. Bullshit nakakahiya!

"Wala naman palang problema e, away mag-asawa lang pala. Tatanggalin ko na yung posas" sabi ni Sir Rundolph. Nagpasalamat naman si Drake sa kaniya.

Simula nong araw na iyon, kinukulit na ako palagi ni Drake. College din siya pero sa ibang school tapos online class yung sa kanila tapos nalaman ko din na lumayas lang siya dahil nabalitaan niyang nandito ako. Hindi siya yung nagnakaw nong gamit ng iba dahil hindi naman pala nanakaw yung iba, may naghiram lang na hindi nasauli.

Nagconfess pa nga si Drake sa akin na matagal na niya akong gusto. Bwiset siya.

"Just wait, time will come that you'll let me steal your heart."

Kinikilig ako.

Sa ilang buwan na pangungulit niya sa akin, naiinis na ako sa sarili ko. Nanakaw na niya yung puso ko. Nakuha na niya yung loob ko.

Damn, he's a thief!

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now