OS93: MY INTERNET LOVE EXPERIENCE

3 2 0
                                    

MY INTERNET LOVE EXPERIENCE

Scrolling on my cellphone, a girl caught my attention. I always stalked her timeline. She always shine. Whenever she post a picture of herself, I always reacted on it. She's so beautiful. Tsaka mas lalo pa akong nagkagusto sa kanya nang nagpost siya ng tiktok video niya na sumasayaw siya. She's a dancer. She's Sofia Bernales.

One month of liking her is such a crazy feeling. Nakakabaliw and at the same time nakakalungkot. I know marami ang nagkakagusto sa kanila dahil sa kagandahan niya or kahit ano pa ang taglay niya.

"Ang weak mo pre HAHAHHA chat mo na yan!" sabi ng tropa ko na kanina pa pala nakasilip sa akin dahilan upang mahulog ako sa upuan.

"Nakakahiya."

"Gago, kaya wala ka pang nagiging jowa hanggang ngayon dahil diyan sa katorpehan mo!" pagtatawa niya sa akin. Umismid lang ako sa sinabi niya. I'm 17 years old, Ayos lang naman siguro pag wala pang naging jowa diba?

"Asher, the torpe" pang-aasar niya sa akin. Inoff ko muna yung cellphone ko at ginulo ang buhok ko. I'm confused. Naplagpanuhan ko ding ichat siya kaso nahihiya talaga ako. This is the first time I like someone on the internet.

"Pre, penge tips" sabi ko. Napatawa naman siya ng malakas. Ano pa ba aasahan ko sa tropa kong 'to? Hindi yan matino. Akala ko tatawa lang siya ng tatawa ngunit bigla siyang nagserious mode kaya ang kalabasan ay ako na naman ang tumawa. Binatukan niya ako. "Makinig ka!"

"Ako si Khalil ang dakilang namimigay ng tips pagdating sa girls" sabi niya.

"Walang nagtanong, pero syemore babaero ka" sabi ko at natawa naman kaming dalawa. Ganito kami pag magkasama. Iba kasama ang tropa. Puno ng kalokohan at tawanan.

Binigyan niya nga ako tips. Yung iba kalokohan pero yung iba masasabi kong seryoso talaga siya. Experienced na siya masyado pagdating sa girls. Babaero yan e. "Pag hindi mo na alam ang susunod mong gawin, sabihan mo lang ako. Tutulungan kita" sabi niya. Tumango naman ako. Nagpaalam na siyang umuwi dahil tinawagan na siya ng mama niya. So yes, ako na naman mag-isa sa kwarto ko. Si mama nasa labas lang nakikichismis na naman siguro yun. Tsaka si papa, nandoon pa siguro sa sabungan.

I opened my facebook again and clicked her profile picture. Napatitig ako sa mukha niya. Gagi, ang ganda.

Final na, ichachat ko na siya.

I clicked the message button. Nanginginig akong magtype na imemessage ko. Baka iignore lang ako ng babaeng 'to. Baka hindi niya ako papansin pero wala naman sigurong masama kapag itry diba?

So yes, I chatted her.

"Hi." ganyan lang, simple lang. Torpe ba talaga pag ganyan?

Habang naghihintay ako sa reply niya, di ko maiwasang magsisi, sana hindi ko nalang siya chinat dahil feeling ko talaga, hindi niya ako papansin. Nagscroll-scroll lang ako sa newsfeed ko, nagulat nalang ako dahil biglang nagpop up yung message niya. A feeling aroused on me. Natutuwa ako, nagreply yung crush ko!

"Hello? Boyfriend using." reply nito dahilan upang mawala ang ngiti sa labi ko. Nagsorry nalang ako dito at sinabing mag-iinterview sana ako for research project namin. What the heck, first time kong magpalusot ng ganun. Nilikezone lang naman ako kaya inoff ko ang cellphone ko kaya napahilamos ako sa mukha ko at pekeng napangiti. Bwesit, failed.

Chinat ko si Khalil at sinabing failed, tinawanan lang naman niya ako. Bakit daw hindi ko muna inalam ang status nito. Malay ko ba, ayaw ko naman mangialam sa privacy niya.

Days had passed, parang nawalan ako ng gana magfacebook dahil sa tuwing makikita ko ang mukha ni Sofia, naghihinayang ako. May boyfriend na pala. Wala na akong pag-asa.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now