OS139: I WAS BORN AS AN ORDINARY GIRL BUT I FELL INLOVE WITH A FAMOUS MAN

3 1 0
                                    

I WAS BORN AS AN ORDINARY GIRL BUT I FELL INLOVE WITH A FAMOUS MAN

Palagi akong umaattend sa mga concert nila. Pinaghirapan ko ang pag-iipon para lang makabili ng mga merchandise nila. Isa silang kilalang grupo sa buong mundo at isa ako sa mga sumusuporta at humahanga sa kanila.

"Sino bias mo sa DASH?" tanong ng kaibigan ko. Sabi ko si Xion. Sumimangot naman siya dahil parehas pala kami ng bias. Pinipilit niya akong iba nalang ang magiging bias ko pero talagang kay Xion ako nabaliw.

Ang DASH ay isang banda na may apat na miyembro.

Si Xion, ang vocalist and guitarist. Si Von, ang pianist and also a vocalist. Si Calyx ang bass at si Kiro naman ang drummer.

Noong una ko silang nakilala ay talagang kay Xion na talaga ako. Kapag manonood naman ako ng mga music videos nila. Sobrang dami kong screenshots dito sa cellphone ko. Ganyan ako ka fangirl.

Sa kwarto ko naman may mga lomocards, standees, pillow, phone case tsaka yung wall ko maraming posters. Karamihan din sa mga damit ko may nga mukha nila. Gsnun ako kabaliw sa grupo nila.

Mas humanga pa ako sa kanila nong may mga bashers na tumatahol pero nananatili parin silang matatag at nagkakaisa parin.

"Rena, balita ko pupunta sila dito sa school natin nong highschool pa tayo, tara punta tayo doon!" masayang sigaw ni Karina habang kumakain ng burger. Napakamot ako sa leeg ko. Wala akong lightstick na dala pero okay lang basta makita ko sila.

Ayun nga, pumunta kami doon sa paaralan namin nong highschool. Matagal na pala kaming hindi nakapunta dito dahil syempre busy sa trabaho. Parang malapit na nga akong magresign sa pinagtatrabahuan ko dahil sa mababa ang sweldo tapos ay napakastrikto pa ng boss namin.

Maghahanap nalang ako ng bago.

Pagdating namin doon, sobrang dami na ng mga tao sa may social hall. Doon daw kasi magcoconcert.

"Anong grade po kayo?" tanong ng guard.

"Hindi na po kami nag-aaral. May trabaho na po kami." sabi ni Karina. Tinitigan kami ng card at pinatayo lamng sa gilid. Inuna niya yung mga estudyante tsaka ay kami naman naghintay lang.

Isang oras na ang nakalipas pero hindi parin kami nakapasok doon. Narinig na namin ang tugtog ng DASH kaya pinakiusapan talaga namin si manong guard na pumasok pero sabi niya ay bawal daw ang mga outsider. Unfair naman non.

"Sige na po, gusto lang naman po namin makita ang DASH" pakiusap ko. Pero umiling lang ang guard at isinara yung gate.

Bigo kaming naglalakad ni Karina at nahinto kami sa isang restaurant para kumain ng pananghalian. Nakakabwesit yung guard na yun ah? Feeling principal. Feeling may-ari sa school.

"Wag kang mag-alala, te. Balita ko dito daw palaging kumakain ang DASH kaya makita natin sila dito." sabi niya. Napabuntong hinga naman ako at napatango.

Kukunin ko na sana yung cellphone ko sa bag ko tsaka ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Shit. Nasaan na yun!?

Halos punitin ko ang bag ko para lamang mahanap ang cellphone ko pero wala talaga akong nakita. Shit. Ang clumsy ko!

"Nakita mo na ba?" umiling ako. Tumayo ako at lalabas na sana sa restaurant ngunit may nabangga ako. "Sorry." sabi ko.

"It's okay." agad naman akong napatingin sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko tsaka ay napalunok. Ngumiti siya sa akin at dumiretso na sa table kasama ang ibang kasamahan nito.

DASH

Si Xion, siya yung nabangga ko.

Natulala ako. Ang gwapo niya! Napalingon pa ako sa kanila at napansin ko din ang pagtitig sa akin ni Xion. Or sobrang feeling ko lang talaga? Basta.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now